LUCAS POV.
Pagkatapos naming mag usap ni Smart. Agad-agad akong umalis para sundan ang mga kaibigan ko. Alam ko sa sarili ko na hindi lang sila ang gusto kung makita at makasama. May ibang dahilan pa ang puso ko pero kailangan ko pang linawin kong ano ba talaga ito. Gusto ko lang kilalanin ang babaeng hindi ko makalimutan. Alam kung mali pero parang may kunting pagtingin na ako sa kanya. Hindi ako masamang boyfriend hindi ko lang kasi mapipigilan ang sarili ko wag humanga sa ibang babae. Ikakasal na ako at dapat hindi na ako titingin sa ibang babae. Pero ito ako, hindi ko magawang pigilan ang sarili ko para akong mabaliw. Kapag hindi ko s'ya makita oh malaman manlang kung ano ang pangalan n'ya. Kahit nag dadalawang isip ako? Pumonta parin ako sa club para makitang muli ang misteryusong babae. Andito na ako sa bar kung saan naghihintay ang mga kaibigan ko. Pagpasok ko palang nakasintro na ang tingin ko sa stage gusto kong makita agad ng mga mata ko ang hinahanap ko at kong saan una ko s'yang nakita noon. Dahan-dahan lang akong lumakad papalapit sa kanila. Tulad ng dati lagi lang akong late sa grupo. Naiintindihan naman nila yun dahil sa aking trabaho. Mula sa aking pagdating limang minuto narin akong nakaupo pero nilibot ko parin ang aking mata sa buong paligid ng club. Pero bigo ako hindi ko nakita ang babaeng gusto kong makita sa gabing yon. Nakaramdam agad ako ng pagka-dismaya hindi ko inaasahang mangyari ito ngayon. Alam kung napansin yon ng mga kaibigan ko dahil panay na ang tingin at lingon ko sa likod sa gilid at sa harap namin.
Parang may hinahanap ka lucas? Tanung sa akin ni Junny ayaw kung matukso kaya nagsinungaling ako. Hindi ko siya sinagot dahil busy ako sa kakahanap ng babaeng yun.
Pero hindi parin sila tumigil kaya naisipan kung mag banyo muna para makita ko ang mga tao sa paligid baka sakaling mahanap ko s'ya. Habang papalapit ako sa banyo nakita ko naman yong babaeng unang naging ka-table ko. Mukhang may hinahanap s'ya 'di ko lang pinansin kaya tumuloy parin ako.
Bitawan mo 'ko ano ba?
Ano bang inaarti-arti mo babae ka? Bayad kana pwede wag kang umastang bektima . Baka nakalimotan mo malaki ang naibayad ko sa'yo?
Oo binayaran muna ako pero wag naman ganito sinabi ko na pong may dalaw ako hindi po pwede.
Tanga ka ba? Trabho n'yo to ang pasayahin kami kaya wala kang karapatang umayaw kahit may dalaw kapa. Wala akong pakialam basta gawin ko ang gusto ko kahit sa ayaw mo't sa gusto. Naiintindihan mo?
Sana po maiintindihan n'yo ako may anak din po kayo at may asawa. Alam n'yo po kapag ang babae buwan-buwan may dalaw. Huhuhu Santa tulongan mo'ko dito, tama na po ano ba Santa tulongan mo'ko please.
Jessa nakikita mo si Scarleth?
'Di ko s'ya nakita, tanungin mo lang yung iba baka alam nila Santa.
Ok sige maiwan na kita.
" Ilang minuto ng naghahanap si Santa at ganon rin si Lucas pero hindi parin nila nakita ang kanilang hinahanap. Agad naman nakaramdam ng takot si Santa kanina noong nakita s'ya ni lucas. "
Paglabas ko galing sa banyo, may narinig akong boses ng babae parang humihingi ito ng tulong. Hindi na ako nag dadalawang isip na puntahan at hanapin ito. Marami silang kwarto kaya nahirapan akong maghanap pinakinggan ko muna ang boses n'ya para malaman ko kong saang kwarto s'ya. At nong narinig ko ulit ang boses n'ya agad ko s'yang hinanap at pinuntahan ang kwarto kong saan galing ang boses n'ya.
Tulongan n'yo ako" muling sigaw n'ya kaya don nalaman ko kung saang kwarto ito. Pagbukas ko ng pinto nagulat ang lalaki kaya nabitawan n'ya ang babaeng gusto ata n'yang halayin. Niyakap ako ng babae kahit hindi n'ya pa ako nakilala. Siguro kapag tiningnan n'ya mo na ang mukha ko hindi n'ya gagawin ang yumakap sa akin dahil sa kabastusan ko noong nakaraan.
Sino kaba? Bakit ka pumasok dito? Tanong agad sa akin ng lalaking nakahubad. Parang gusto ng pumasok sa butas ang kanyang pagka****ki.
Kapag ayaw sa'yo wag mong pilitin. Sabi ko rin sa kanya. Alam kung hindi s'ya titigil mas lalo pa s'yang nagalit nong hinawakan ko ang babaeng nakayakap sa akin at sinabihan kong dito s'ya sa likod ko. Simugod ang lalaki sa akin at naunahan ko naman s'ya ng suntok.
Pakialamero ka' Sino ka ba? Isusumbog ko kayo sa manager dito. Lalo kana maarti ka. Banta n'ya sa amin pero hindi ako natatakot kahit saan pa s'ya mag sumbong walang akong pakialam. Akala n'ya talaga matatakot ako sa kanya? Hindi mo pa ako kilala? Banta ko rin sa kanya.
Tayka lang anong nangyari dito? Scarleth ok kalang?
Santa andito ka! Salamat.
Bakit anong nangyari sa'yo?
Yong customer ko Santa gusto n'ya ako gahasain.
Scarleth? Hindi ba napag usapan na natin ang tungkol dito?
Santa di'ko pa kaya at may dalaw ako ngayon. Yon nga ang sabi ko sa kanya pero hindi s'ya naniniwala sa'kin.
Sige tama na yan, halika dito sa'kin.
Ito yong babaeng kanina pa mukhang may hinahanap. Kaya pala! Niyakap n'ya ang babae at inangat din n'ya ang tingin sa akin. Alam kung galit s'ya dahil sa nangyari nong nakaraan. Pero nagpapasalamat s'ya sa 'kin dahil nailigtas ko daw ang kaibigan n'ya.
Salamat sir, tahan kana Scarleth andito na ako.
Papasok ka sa ganitong trabaho? 'di mo naman pala kaya. Bakit ka nag trabaho sa ganitong paraan? Panermon ko sa kanya.
Pasensya na" tanging sagot n'ya sa akin naawa ako sa kanya dahil nanginginig pa ang buong katawan n'ya sa takot hindi ko alam ang buong estorya. Pero handa akong tulongan ang babaeng ito hindi ko alam kong bakit?
Sir ako na po ang hihingi ng pasensya sa kaibigan ko. Wag mo s'yang pagalitan nasaktan na nga yong tao.
Sabagay nga naman para saan pa ang pagtulong ko kung pagalitan ko rin s'ya. Pasensya kana rin sa akin ayaw ko lang kasi may binabastos. Halika sumama ka sa 'kin.
Bakit po? San tayo pupunta?
Mukhang nag dadalawang isip pa s'ya kahit tinulongan ko na s'ya. Sa palagay mo ba? Di tutuhanin ng customer mo ang banta n'ya? Isa pa damay na ako dito kaya samahan mo ako harapin natin ang manager n'yo. Hahawakan ko na sana s'ya sa kamay para alalayan paglabas ng kwarto. Kaso napansin ko agad naka panty lang pala s'ya kaya tinakpan ko agad ang mga mga mata ko.
Bakit po sir? Pagtataka naman n'ya pero yong babaeng kasama n'ya ay nakangiti sa reaksyon ko.
Bago ang lahat? Pwede mag bihis ka muna? Naaakit ako sa hitsura mo e. Ngiting mapang-akit ang ginawad ko sa kanya alam kung nakangiti din s'ya sa sinabi ko. Dahil nakita ko ang pag namumula sa pisngi n'ya Blush ba ang tawag dun?
Ay sorry tayka lang po,
Ilang sandali humarap na s'ya sa amin at nakapag suot na ng malaking t-shirt at natakpan na nito ang malaking hinaharap n'ya.
Halikana? Sigurado ako nandoon na yon at nagsusumbong sa manager n'yo.
Sige sumama ka nalang sa kanya baka pagbayarin ka ni Momshe sa nangyari. Malaking problema yan Scarleth.
Wag naman sana, Sige maiwan na kita Santa, napa-isip tuloy ako kahit may pagkabastos ang lalaking to mabait din pala.
Yan? Yang lalaking yan ang sumontok sakin? Sumbat sa akin ng lalaking nakatikim ng suntok ko. At tinuturo n'ya pa ako tila may utang ako sa manyak nato.
Sino po kayo sir? Bakit kayo nanununtok ng customer namin? Unang sabi ng manager nila sa'kin.
Customer n'yo ren ako, Sinuntok ko s'ya dahil nabastosan ako sa ginawa n'ya sa babae n'yo.
Anong bastos? Bayad na ako sa kanya at yan lang ang babae n'yo nag iinarte Momshe. At biglang sumolpot ang lalaking pakealamero nato at sinuntok ako.
Scarleth ano na naman ba to? Hindi ba't nag usap tayo'? Hanggang ngayon ba hindi mo parin matanggap?
Pasensya na po momshe may dalaw po kasi ako, sinabi ko na po sa kanya pero ako daw ang gusto n'ya.
Hindi rason yan para bastosin mo ang customer mo Scarleth. Alam mo yan! Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo ha? Marumi kana Scarleth kaya pwede wag kang umastang malinis!
Tayka lang. Hindi naman pwede yon hindi porket bayad na tong babae n'yo hindi naman pwedeng bastosin. May rason s'ya dapat maintindihan n'yo rin yon. At ikaw kung ayaw mong masuntok ng kapwa mo customer? Lumagar ka sa kamanyakan mo.
Di ako papayag babawiin ko ang pera ko at magpapabayad ako sa lalaking yan sa pagsuntok n'ya sa 'kin.
Pera lang ba ang hanap mo? Sige sabihin mo ng maisaksak ko sa baga mo. Para matahimik kana magkano ba ang bayad mo dito?
Sir wag na po? Ako nalang ang mag bayad, pang aawat sa akin ni Scarleth narinig kung pangalan n'ya.
No! Andito na ako! ako na magbabayad. Ito pera at babayaran kita kung nasayangan ka sa customer mong manyak. Ano nga ulit ang pangalan ng manager n'yo?
Momshe tawag namin sa kanya sir.
Momshe ok' pwede na ba? Siguro naman hindi mo na s'ya pagbayarin pa?
Kung ganito lang ang usapan? Walang problema sa 'kin sige Scarleth bumalik kana don at baka may customer kapa.
Wag na, babayaran ko buong gabi n'ya sa pagtatrabaho. Don kalang pumonta sa table namin. Tumango lang s'ya sa akin at nakayukong sumonod sa akin.
San ka galing Lucas?
Ang hina mo talaga Rain kita mo nang may kasamang babae nag tatanong kapa? Alam mo na yon hindi na kailangan ipaliwanag sa'yo. Ngayon alam ko na Lucas kong bakit gusto mong bumalik dito! Dahil pala sa babaeng yan.
Mali ang iniisip n'yo. Sige maupo kana wag mo silang pansinin.
Salamat po sir.
Mag order ka kahit anong gusto mo?
'Di na po busog pa ako at bawal din sa 'kin ngayon dahil alam n'yo na.
So totoo may dalaw ka.?
Opo, Alam na nga n'yang andito ang mga kasama n'ya tinanong pa.
Ilang sandali nagpaalam sa akin ang tatlong kung kaibigan bit-bit ang kanilang mga partner.
Salamat po sayo sir, naabala ka pa tuloy.
Scarleth ba ang pangalan mo? Yun kasi narinig ko kanina nong tinawag ka nila.
Yes sir.
Scarleth ang ganda ng pangalan kasing ganda mo. Hindi ko mapigilang sambitin yon dahil totoo naman nakita ko ang mukha n'ya. Ang ganda n'ya at ang puti pa. Hindi na kasi s'ya naka maskara pero alam ko s'ya yong babaeng ka-table ko noon.
Paano kaya ako maka bayad sayo sir?
Wag muna isipin yon' Pasensya kana sa 'kin nung isang araw Scarleth wala lang kasi ako sa mood nun.
Ok lang po yon sir, Bakit po pala kayo napunta don kanina?
Galing akong banyo nang may nakarinig akong sigaw nilapitan ko agad baka kasi kailangan n'ya ng tulong.
Kaya nga po sir. Kong 'di kayo nakarating siguro wala ng ang MUNAY ko.
Ha? Anong MUNAY mo?
Wala yon sir' kalimotan mo na sinabi ko napangiti nalang ako sa reaksyon n'ya. Hindi rin n'ya alam kung anong munay.
Kaw bahala? Kahit saang anggolo ko s'ya tingnan talagang may angking ganda ang babaeng to na wala sa iba. Napa isip tuloy ako sayang bakit naging pokpok sya? Sinayang n'ya lang ang ganda n'ya.
Ok lang po kayo sir?
Oo ok lang ako' bakit?
Parang hindi po sir kanina pa kasi nag riring ang telepono mo hindi mo napansin.
Ah ganon ba? Napakamot nalang ako sa batok ko siguro nakita n'ya na lagi akong nakatitig sa kanya. Tayka lang ha sasagotin ko muna ito.
Ok sige po sir.
"Hello"
Lucas asan ka ba?
Smart bakit? Anong problema?
Andito ako sa condo mo pero wala ka uwi kana babe kong saan kaman hihintayin kita dito. Babe bilisan mo ha.
Ok sige Smart hintayin mo 'ko. Scarleth mauna na ako hinanap na ako ng girlfriend ko. Wag mo nang alalahanin yon tapos na yon at wala kang utang sa'kin. Tulong ko na yon sa'yo.
Nakakahiya naman po, hindi ko po matatanggap yon sir babayaran po kita.
Ok ganito nalang, peace offering ko yon sa'yo dahil sa ginawa ko noong nakaraan.
Sige po sir salamat po ulit,
Ok na yon, sige maiwan na kita Scarleth.
Umalis na s'ya pero ako nakatingin parin sa kanya habang papalayo na s'ya. Ang gwapo n'ya kaso may girlfriend na. 'Di Bali nalang sigurado naman ako di n'ya ako magustohan dahil isa akong bayaran.
ABANGAN..