"Welcome back po, Señorita." Patakbo siya pumunta sa kanyang kwarto. Gusto niyang mapagisa. Gusto niyang magwala. Mga walang hiya. Ang pinakamamahal na tao ay inagaw sa kanya. Ito ang dahilan kung bakit ni minsan hindi siya pinansin nito. Kung wala ito sa buhay ni Zandro, silang dalawa dapat ang magkasama ngayon. //// "Zandro!" "Olivia! Wow... Welcome. Bakit nandito ka sa France?" Gulat na sabi nito sa Zandro. Hindi kasi nito inasahan na pupunta siya dito sa France para makita ito kaya inasahan na niya magugulat ito ng makita siya. "Bakit mo ba tinatanong sa akin iyan? Of course na mi-miss kita kaya pumunta ako rito. Buti na lang sinabi sa akin ni Ryder na nandito ka lang eh." Paliwanang niya. "Ahh..." Tipid na sagot nito. "Sorry bro. Nagpumilit kasi itong si baby girl." "Hey! Im

