Na-assign ngayon araw si Bella sa buffet section para mag-serve sa mga guests. Bigla siyang siniko ni Rica. "Si Mr. Sunget nandito oh. At nakatingin pa sa iyo." Paglingon niya nakita niya si Zandro na nakaupo sa gilid. Nakaupo at nagbabasa ng magazine. Casual lang ang suot nito but still look so damn handsome. A second ay nakatingin na ito sa kanya. He also wink at her. Ano na naman ba ang pakulo nitong lalaking ito? "Hay ang sweet niyo ah. Baka langgamin tayo. Bawal ang pesticides dito darling." -Rica "Ano ka ba? Di no." . . . Inisa-isa ng mga chefs kasama na si Bella na kumustahin ang mga guests na kumakain kung nage-enjoy at nasasarapan ba sila. "Good morning. Are you enjoying your food maam?" Tanong niya sa mga guests. "Yes! It's so so delicious." "Thank you ma'am. Enjoy."

