//BELLA POV// Sa balkonahe ng kanilang tinutulayang kwarto, tinanaw niya ang kabuuan ng lugar. Masarap ang simoy ng hangin, maaliwalas, at parang nasa isang paraiso kung maituturing. Niyakap siya nito sa likuran."It's a wonderful place, isn't love?" "Oo, ang ganda." "So, anong gusto mong gawin natin? Gusto mo ba mamasyal, mas-swimming or kumain?" "Zandro, nagugutom na ako." Lambing niya rito. "You're hungry for me?" He winks at her. "Pagkain hindi ikaw." Pinisil niya ito sa pisngi. Natawa ito. "Okay. Akala ko makakalusot. Let's go." Nandito silang dalawa ngayon sa isang island resort. Bakit sila nandito ngayon? Dahil sa magaling niyang kaibigan. Si Elizabeth. Mas pinagtutuunan na lang daw nilang dalawa ni Zandro ang kanilang anak at trabaho kaya napapansin nito na wala na daw s

