Kakapasok lang ni Bella sa opisina ni Zandro para ipaghanda ito ng pagkain. Papunta pa lang siya sa dining room ng napagulat siya ng may nahuhulog na mga rose petals sa kinatatayuan niya. "Congratulations, Ate Bella!" Naptingin siya sa itaas. Si Lysandro pala ito. Nakaupo sa isang ladder habang sinasabuyan siya ng napakaraming rose petals. Narinig naman niyang may tumuturotot. "Wooh! The true wife has finally revealed herself!" Sambit ni Ryder. "Congratulations." sabi naman ni Spencer. "I never thought Alex married an amazing woman. Congratulations." Bati rin ni Ashraf sa kanya. Nandito pala ang mga kaibigan ni Zandro. Bumaba na si Lysandro at tinabihan siya. "Ibang klase si Kuya. May Secret sisiter-in-law na pala ako." "Im so proud of you Baby Bell! Hindi ko inasahan na ganun ang

