"Anong gusto mong pag-usapan natin?" pabalang na sagot niya rito ng gusto siyang makausap ni Mr. Oracion. "I know you've been through a lot. Sacrifice your freedom just to save Bella and to be with my daughter." M. Oracion "Diretsohin mo na sasabihin mo." -Zandro "Ako na ang magpapalaya sa iyo, Alex. Hindi mo na kailangan pa makasama si Olivia. I decided to take her somewhere na makakatulong sa kanyang kalusugan physically and emotionally. Patawarin mo ako sa lahat ng ginagawa ko pangigipit sa iyo Alex. Sa sobrang pagmamahal ko sa anak ko, hindi ko na namalayan na kaya na niya palang pumatay ng tao. SilaOng at Scarlet... hindi ako makapaniwala na siya ang pumatay sa kanila. Mahal na mahal ko ang anak ko. Noon pa man ipinangako ko na sa kanyang ina na aalagaan at ituturing ko siyang prin

