Kinabukasan, hapon na sila nakarating sa siyudad. Inihatid siya ni Zandro sa kanyang tinutuluyang apartment. Kahit anong pagpupumilit nito na magsama na sila sa iisang bubong, hindi siya pumayag. Unang-una, kahit nagkabalikan na silang dalawa, lihim pa rin ang kanilang relasyon. At hindi pa ito ang tamang panahon dahil na rin sa tinatahak na problema ngayon. "You want me to stay with you today?" Alok nito. "Zandro, hindi ba sinabi ko na sayo ayos lang ako rito. At may trabaho ka pa aasikasuhin." Iginaya nito ang tingin sa paligid. "I really don't think this place is safe." "Alam mo paulit-ulit ka. Sinabi mo na iyan dati. Sa anim na taon ko paninirahan dito hindi pa ba safe ang lugar na to? You're over exaggerate Zandro." Natatawa na lang siya sa inasal nito. "Alright if that's what

