Buong gabi siya umiyak dahil sa nakita niyang mga larawan at sa article tungkol kina Scarlet at Zandro. Binuhos na niya ang lahat ng mga hinanakit at pinipilit niyang kalimutan ang lahat n nangyari dahil kahit alam niya na may nakaraan ang dalawa, nasasaktan pa rin siya. Sinasagot naman niya ang mga tawag at text ni Zandro para hindi siya pinahalataan na alam na niya ang tungkol sa article. Sinabi nito na hindi ito makakauwi agad dahil sa mga seminars at meetings na dinaluhan nito pero tipid lang ang kanyang mgs sagot. Napatanong din nito kung masama ba ang kanyang pakiramdam at ang rason niya ay maraming siyang trabaho na ginagawa. Nilublob rin nya ang sarili sa trabaho para hindi sumagi sa utak niya ang mga nangyari. Dalawang araw na nasa business trip si Zandro, kaya nasa grand kitc

