//Day of press conference. 10 mins before it starts.// Iritang-irita masyado si Zandro dahil sa kasama niya ngayon si Scarlet sa dressing room. Demanding at laging nagrereklamo sa mga staff nito. It can't be help. Request na rin ni Scarlet na magkasama silang dalawa sa iisang kwarto. "Undo my hairstyle. Mukha akong matanda sa hitsura ko. Kapag hindi pa iyang naayos sesante ka na." Mataray na sabi nito sa hairstylist. "O-opo ma'am." Hindi na siya nakialam. Wala na rin naman patutunguhan kung sasabat pa siya. Kung ano ang gusto nito, iyan ang masusunod and besides, ayaw niya rin itong kausapin o pansinin. Masasayang lang ang kanyang oras. "Are you ready, Sir?" -Evan "Yeah. Ayoko ng patatagalin ito. I want direct questions from the press para hindi na magtagal ang event na 'to." -Zandr

