"Bella, let's talk!" Kahit malakas ang buhos ng ulan, naririnig pa rin ang pagtawag sa kanya ni Zandro. Nandoon ito sa labas nakikiusap sa kanya na makipagusap. Hindi nito ininda ang lamig at parang naliligo na ito sa ulan. Sinilip niya ito sa bintana ng kanyang kwarto. He was still shouting her name, begging to talk with him. Hinawi niya ang bintana at umupo sa sahig. Ayaw niya makita o marinig man lang ang boses nito baka hindi niya mapigilan ang kanyang sarili tumakbo papalabas at bumalik sa piling nito. At maging tanga muli. Hindi siya makapaniwala sa rebelasyon na narinig niya mula sa paghihiganti hanggang sa tinakdang pagpapakasal nito kay Olivia. Hindi niya inasahan itong lahat na nangyayari sa kanya. Simula pa lang ang tanga-tanga na niya. "Bella, please I truly love you! Im s

