16 hours later "Paris im heeeeree!!!!" Sigaw ni Elizabeth pagkababa sa eroplano. Nakakahiya kasi pinagtitigan ito ng mga tao. Siniko niya ito. "Uy! Mahiya ka naman. Wala tayo sa pilipinas para gawin mo yan. Nakakahiya bee." Subalit ang bestfriend niya ay parang walang narinig. "Oh Em Gee! Dream come true na talaga ito! Talagang.... Talagang... destiny ko na makapunt dito!" "Hay nko. Oh siya halika na at kunin na natin ang mga bagahe." Ng makuha na nila ang kanilang mga bagahe ay pumunta na sila sa waiting area dahil may susundo raw sa kanila. Ang lamig. Sobrang lamig kahit hapon na dito. Ibang iba sa pilipinas. "Elizabeth!" "Tita Nadia!" Nagyakapan ang dalawa. "Naku ang laki-laki mo na Lili at mas lalong gumanda!" "Ganito talaga lahi natin tita! Hindi ko akalain ikaw po susundo s

