"Felicito ingatan mo mga bata habang nasa biyahe!" Bilin nito sa asawa. Matagal-tagal na daw kasi itong hindi nagda-drive. Hindi kasi pwede si Tita Nadia dahil may lakad din ito. "Nadia marunong pa ako magmaneho." Sagot naman ni tito Felix. "Aalis na po kami Tita Nadia." Paalam niya. "Pagpalain kayong dalawa at galingan ninyo doon." -Tita Nadia "Yes Tita Nadz! Walang makakapantay sa ganda ko pag nasa hotel na ako." -Elizabeth Itinulak niya ito at pinasok sa kotse. "Oo na kaya pumasok na tayo dahil naghihintay na si Tito Felix. Alis na po kame!" -Bella Pumasok na silang dalawa sa kotse at pinaandar na ni Tito Felix nila ang kotse at umalis. Sabi ni Tito sa kanila 30-45 minutes ang biyahe papunta sa hotel. Habang nasa biyahe sila hindi siya mapakali sa kaba. Anong unang gagawin niya,

