Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya ulit. Nagising siya dahil sa uhaw. Kita niya rin na alas dos na pala ng madaling araw. Nauuhaw siya at gusto niya uminom ng tubig. Masama parin ang pakiramdam niya pero nakakaya na niyang bumangon. Bumangon na siya. Nagulat siya konti ng nakita niya si Zandro na nakaupo at nakasandal sa sofa katabi lang ng kanyang kama habang natutulog. Tinignan niya ito na natutulog. He sleep so peacefully. Dahil na rin sa pagbabantay sa kanya at sa puyat kaya mahimbing ang tulog nito. At hindi siya nito iniwan kahit saglit lang. Lumakad siya at dahan-dahan niya binuksan ang pinto para hindi ito magising. Kaya niya naman kumuha ng tubig ng mag-isa. Lumabas siya ng kwarto at pumunta sa kusina. Kumuha siya ng baso at binuksan ang refrigerator para kumuha bg

