"Pina-imbestiga kita, Bella. I know all your personal informations. Saan ka nag-aaral, sino ang mga magulang mo pati mga kaibigan mo, lahat. Lalo na sa kwento ninyong dalawa ni Alex." Paglalahad nito sa kanya. Hindi siya makapaniwala. All this time na tinatago nilang dalawa ni Zandro ang kanilang relasyon, alam na pala nitp ni Olivia noon pa man. "Ba-bakit mo ginawa iyon?" Tanong niya. "Simple lang. Because Im Alex's bestfriend. His childhoodfriend. Concern din naman ako kung anong pinagkakagawa niya. Like I said last time, I know and I will know kung ano man ang ginagawa niya." She's smiling while looking at her. No. Her smile look like anger. "At alam ko rin ang problema ninyong dalawa ng maghiwalay kayo. Na iniwan mo siya sa ere." Patuloy nito. Nakuyon niya ang kanyang mga kamay.

