Bilin sa kanyang "Boss" na dapat ay maaga siyang pumasok sa opisina nito dahil magso-shopping daw sila. Pagpasok niya sa loob ay naka-upo ito sa couch. "Good morning, sir." Bati niya rito. Lumingon ito ng marinig siya. Tumayo na ito at lumapit sa kanya. Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa. Na-consious siya sa ginawa nitong pagtitig sa kanya. "Ba-bakit?" "Why are you wearing your uniform?" Tinutukoy nito ay ang chef uniform niya. "Huh? Bakit may problema ba?" "Go to the guest room. Magpalit ka ng damit." Utos nito. Hindi na siya nagtanong pa at pinuntahan na ang isa sa mga kwarto at nagbihis. Nakasuot siya ng grey hoodie, jeans at white rubber shoes. Tapos na siya at lumabas na ng kwarto. Si Zandro ay nasa couch ulit at nagbabasa ny diyaryo. Ngayon lang niya napansin na hindi i

