Maaga siyang pumasok sa opisina nito. Binigyan siya ni Zandro ng card key para hindi na siya maghintay kapag nauna na siya pumasok. Kanina sa lounge ng hotel, nagkita-kita silang magkakaibigan sila Marie, Leandon, Rica at Chelsea. Nagtataka kasi ang mga ito kung bakit hindi na siya nakikita sa dati niyang pwesto. Sinabi na rin niya sa kanila na inassign siya ng kanilang boss na maging personal cook nito. Imbes magalit ito dahil hindi niya sinabi kaagad ay naging masaya at supportive ito sa kanya. Mas maayos daw ito para tumaas ang kanyang sweldo at para rin sa mga babayarin niya sa kanyang pangarap restaurant. Pagpasok niya sa loob sobrang tahimik ng lugar. Nasaan kaya ang bugnutin niyang boss? Baka hindi pa ito dumarating. Naalala niyang may 3 bedrooms dito kaya para makasiguro pinunta

