Nagkakilala si Faith at Kian noong nasa high school pa lamang sila, si Faith ay isang incoming Grade 12 student samantalang si Kian naman ay isang incoming freshman college student. Una silang nagkatagpo ng maimbitehan ang pamilya ni Faith sa isang selebrasyon na gaganapin sa mansyon ng mga Valerio.
Ang pamilya Gonzaga ay isang simpleng pamilya na naninilbihan sa Valerio Restaurants, ang ama ni Faith ang head chef ng restaurtant samantalang ang kanyang ina naman ay napiling maging housewife upang maalagaan silang magkakapatid.
Ang mga Valerio ay isa sa pinakamayamang pamilya sa kanilang probinsya, sila din ay may pag mamayaring resorts, hotels at restaurants at iba pang mga establishments na kilala nang lahat maging mga dayuhan at lokal na turista. Kaya naman hindi na nakakapagtakang kilala nang nakararami ang kaisa isa nilang anak na si Kian Valerio. Si Kian ay nanunuluyan sa Maynila kaya naman iba ang kanyang mga nakasanayang gawain, ngunit dahil kaarawan nang kanyang Lola ay napilitan siyang bumalik at manirahan pansamantala sa probinsya.
Maayos ang naging takbo ng party ngunit sino ba ang makakapagsabi na sa paglipas ng araw ay may mga pangyayaring hinding hindi inaasahan.
Nakiusap ang ina ni Kian sa ama ni Faith na kung pwede ay hayaan muna nilang tumira si Kian sa kanilang tahanan pansamantala. Gusto kasi ng kanyang ina na maranasan nito kung paano ba ang mabuhay sa probinsya, gusto niyang iparanas sa anak ang kasiyahang kailanman ay hindi matutumbasan ng pera o gamit. Ang memorya at karanasan na matututunan niya sa kanilang probinsya ay siguradong tatatak sa kanya at siyang magiging dahilan kung bakit niya mas mamahalin ang tahimik at payapa na buhay kaysa sa buhay na maingay at magulo sa Maynila.
Ngunit gaya nga ng kasabihan hindi sa lahat ng oras ay magiging masaya ka at hindi sa lahat ng pagkakataon makukuha mo ang gusto mo.
"Pangako babalik ako, Mahal ko".Iyon ang huling sinabi niya bago pa makaalis ngunit lumipas na ang walong taon ay wala pa ding Kian na nagparamdam.
Ang pangako ba ng binata ay kailangan pa niyang panghawakan o kailangan ng kalimutan at ibaon na lamang sa nakaraan.
*** TO BE CONTINUED ***
CiTrineLily