CHAPTER 58 TODAY IS THE DAY NA ANG ALIS namin pabalik ng Pilipinas. I can see the excitement of Gwyneth’s face na kahit nakakalungkot na iiwan niya na naman ang pamilya niya at balik normal na naman ang buhay niya ngunit hindi na tulad dati sapagkat meron na siyang makakasama sa pagbalik namin, Nakapag desisyon na rin kasi kami nI Gwyneth na magsama na sa isang bubong at tanging pamilya niya muna ang nakakaalam nito, Mabuti na lang at hindi pinagkait ng pamilya niya ang pagkakataong yun. Makakasama ko na sa wakas ang pinakamamahal ko sa bahay niya. “Bracey, are you okay?” tanong niya sa akin, ningitian ko siya at niyakap ko ito, Nasa balcony kami ng mga oras na yun, “Okay lang ako. Hindi ko lang lubos maisip na napakabilis ng panahon at mamaya ay babalik na tayo ng Pilipinas.” “Oo n

