CHAPTER 52 NAKAKATUWA ANG REACTION NI MAMA nang makita kami ni Brace. Kitang kita sa mukha niya ang pagkabigla. Pagkatapos kasi namin mag-check out kanina sa hotel ay diretso na kami pumunta dito sa bahay na tinitirhan nila. “Are you alright?” tanong niya sa akin while holding my hand, Ramdam niya siguro ang kaba ko, Hindi ko nga alam kung bakit kinakabahan ako. “Okay lang ako, Ano ka ba?’ sambit ko at ngumiti siya sa akin. Makalipas ang ilang sandali ay dumating na kami sa bahay. Wala pa rin itong pinagbago since huli nilang pinakita sa akin. Alam ko na rin kasi ang bawat sulok nito dahil sa pinakita ni Mama sa akin.”Finally were here,” saad ko na ikinangiti niya. “Oo nga, lets go,” sambit niya, Actually hindi pa namin ipinaalam sa parents ko ang estado ng relasyon namin ni Brace.

