CHAPTER 40 TOTOO NA YATA ang sinasabing absence makes the heart grow fonder. Iyon ang nararamdaman ko when Brace left for his business trip. Dalawang linggo rin yun at ngayon tatlong pa nga ang nakalipas namimiss ko na siya. Habang tumatagal ay lumilipas ang mga araw ay lumalalim din ang nararamdaman ko sa kanya. Mahal ko na nga siya, hindi na yata magpapapigil ang damdamin ko para sa kanya. But it doesn't mean ay agad ko siyang sasagutin. Nais ko pa rin dahan dahanin ang lahat. Nakakaloka na kahit saan ako tumingin ay mukha niya ang nakikita ko, lagi siyang laman ng panaginip at isipan ko. Minsan nga ay nauutal ako kapag magkausap kami kahit video calls lang yun. Hindi lang ito simpleng miss lang kundi miss na miss ko na siya.. Nasanay na kasi akong kasama ko siya anytime of the day.

