KARISHMA’S POV Kinabukasan ay naabutan kong nahihimbing na natutulog sa sala si Gael. Wala itong suot na pang itaas at tanging shorts lang ang suot nito. Siguro ay nainitan ito kagabi habang natutulog dahil sobrang init naman talaga sa sala kagabi. Saktong tatanungin ko na sana si Mara kung nasaan sina Jenny at Elize nang tumunog ang aking cellphone at isang mensahe ang aking natanggap mula kay Jenny. ‘Thanks girl, we had so much fun last night.’ - Jenny “Good morning” masiglang bati sa akin ni Raven bagay na ipinagtaka ko. Bagong paligo ito at hindi mo mababakasan ng anumang lungkot ang mukha. “Good morning” sagot ko rito. Sabay kaming naupo sa dining table “Mukhang nag- inom kayo kagabi, man bakit hindi niyo ako ginising” sabi ni Raven “Gigisingin? Eh, lasing na lasing ka na nga

