KARISHMA'S POV "Rish, Rish. Gising na" mahinang yugyog sa akin ni Mamita. Mabilis Kong iminulat ang aking mga mata at tinitigan ko itong maigi. "Mamita! You're here!" Napabangon ako at agad ko itong niyakap ng mahigpit. Ang akala ko ay totoo itong nawala. "Mamita, I had a bad dream. Iniwan mo na rin daw ako. Mamita please don't do that okay? Ayaw ko maiwan mag-isa" paglalambing ko rito "Dalaga ka na, Rish." Sabi lang nito habang nakangiting hinahaplos ang aking buhok. "Mamita, let's have some bonding tomorrow. Magpaspa tayo together then magpamani-pedi tayo. " Sabi ko rito. "Mamasyal na lang tayo ngayon. Yun na lang ang girl bonding natin" Sabi naman nito. Mabilis akong tango at tumayo sa aking kama. Ikinawit ko ang aking mga kamay sa braso nito at punong puno ng galak ang aking pus

