GAEL’S POV “Umalis ka diyan sa ibabaw ko! At pwede ba? Bitiwan mo ako, dahil kung hindi ay sisigaw ako!” pagbabanta nito. Para akong bumalik mula sa aking pagpapantasya. Bahagyang madilim sa lugar kung saan kami nakapuwesto dahil patay ang lahat ng ilaw at tanging ang ilaw na nagmumula sa labas ang nagsisilbing tanglaw. Habang tumatagal ay mas nasasanay sa dilim ang aking mga mata. Doon ko lang napagtanto na halos nakalilis na ang palda nitong suot. Tila wala na rin silbi ang Cardigan na suot nito dahil halos lumabas na rin ang dibdib nito mula sa tube na suot nito. “Ano yun? May gumagalaw? Tang**a, huwag mo sabihing nalilibu/gan ka sa akin, Young Grandpa?” mapanuyang sabi nito “Masyado kang mayabang! Ang galing mo magmaliit ng tao at akala mo lahat ng tao ay pera ang habol. Hindi ka

