KARISHMA’S POV Pagkatapos ng mainit na pagniniig namin ni Gael ay hindi ko namalayan na nakatulog akong muli. Nagising na lamang ako sa mainit na labi na humahalik sa aking mga labi at nadadama ang malaki at magaspang na kamay na humahaplos sa aking makinis na balikat. “Rish, gumising ka na. May meeting ka pa hindi ba?” “Sandali na lang. Five minutes..” “Mamaya ka na lang bumawi ng tulog pagdating natin. Baka malate ka sa meeting mo” anito at hinalikan ako ng mariin sa aking mga labi. Napayakap ako rito.Nakabihis na ito habang ako naman ay wala pa ring kahit na anumang saplot at nababalot lang ng kumot ang aking katawan. Mabigat ang katawan na naupo ako sa kama. “Dito ka na maglunch para hindi ka na bumaba pa.” pigil sa akin ni Gael ng makitang patayo na ako. Sa halip ay inilagay

