Nagyaya na ito kaya nagpasya na rin kaming umuwi at Kumakalat na rin ang dilim. Habang nagddrive ito ay tumunog ang aking cellphone. Galing ang mensahe sa unknown number. Nagtaka ako kung ano ang laman ng mga isinend nito kaya una Kong binuksan ang Isang video. Halos mangatal ang aking mga labi at nanlamig ang aking katawan dahil sa aking napanood at narinig. "Mara, hindi ba Sabi mo matagal na kayong magkakilala ni Gael? Naging kayo ba o nagkagust kla ba sa kanya? " tanong ni Jenn " Naging kami? Hahaha, wala nga siyang gusto sa kin Pero gusto niyo ba makarinig ng secret?" Nakangising sagot ng bago naming maid na si Mara "Anong sekreto?" "Huwag niyong ipagsasabi kahit kanino ha?" "Oo, promise" sabay na sagot ng dalawa. "Walang jowa yan si Gael. May gusto ako sa kanya pero siya wal

