Naulit pa ng ilang beses na may mangyari sa amin ni Ma'am Kamila. Sabi nga nito no feelings attached at Gaya Niya ay pareho lang kaming nadadala sa tawag ng laman.
"This will be the last,Gael. Darating ang anak ko kasama ang aking apo sa isang araw, bukas naman ay uuwi rito ang aking asawa. Sana ay walang ibang makaalam ng ating sekreto kahit pa ang tatay mo" Sabi ni Ma'am Kamila habang ako ay nagbibihis samantalang ito ay hubo't hubad pa rin na nakaupo sa kama
"Walang problema ma'am." pagkatapos magbihis ay nagmadali na akong nagtungo sa aking kwarto. Nagsindi ako ng sigarilyo at naghithit buga habang iniisip ang pinasok ko. Siguradong mapapatay ako ng aming among lalaki at itatakwil ako ni Tatay kapag nalaman nitong nakikipagta/lik ako sa amo naming babae.
'Anong magagawa ko? Magaling siyang magpaligaya sa kama. Nabibigay Niya ang lahat ng gusto ko at sa kama ako ang amo.' inubos ko lang iyon bago natulog.
Kinabukasan ay balik kami sa dati ni Ma'am Kamila. Tipikal na pakikitungo ng Isang amo sa kanyang tauhan Lalo na ng dumating si Sir Wilbert kasama si Tatay at ng sumunod na araw naman ay ang pagdating ng anak ng mga ito at apo.
Kung titingnan mo nga ang mga ito ay para Silang Isang masayang pamilya dahil sa tawanan ng mga ito. Kita ko Rin na labis ang pagmamahal ni Ma'am Kamila sa kanyang asawa sa mga titig palang nito.
"Kamusta ka rito, Gael? Hindi ka ba nahirapan?" Tanong sa akin ni Tatay
"Ayos naman po"
"Nakahanap na sila ng magiging gwardiya nila. Sa sunod makalawa, pupunta na rito ang papalit sa iyo. Kinokompleto lang nito ang requirements Niya. Pagkatapos noon, pwede ka na maghanap ng trabaho. Bakit hindi ka na mag-apply sa pagpupulis." Sabi ni Tatay
"Mas gusto ko pang mag-araro ng lupa kesa humawak ng baril"
"Anak, sayang naman ang pinag-aralan mo kung tractor at pala ang hawak mo" Sabi pa ni Tatay
"Hayaan niyo na ako,Tay. Mas masaya ako sa bukid, malaki naman kinikita sa pagtatanim."Sabi ko at tumayo na.
Lagi na lang kami napupunta sa ganoong usapan. Ayaw ko naman talaga magpulis Pero dahil Kay tatay ay tinapos ko. Sinubukan ko rin naman noong nag-OJT ako Pero mas sanay ako sa trabahong bukid.
Napatingin ako sa anak ni Ma'am Kamila na si Ma'am Katherine Pero mas nanakaw ang atensyon ko sa 10 years old na apo nitong si Karishma.
Humanga ako sa ganda ng mag-ina dahil sa ganda ng lahi ng mga ito.
"Malamang foreigner ang lolo at mukhang foreigner din ang ama" Sabi ko sa sarili Pero nagtataka ako dahil hindi nila kasama ang asawa ni Ma'am Katherine
"Tay, nasaan ang asawa ni Ma'am Katherine?" dala ng kuryusidad
"Walang asawa si Ma'am Katherine. Maaga siyang nabuntis,16 lang siya noon kaya dinala nila sa America para maiiwas sa kahihiyan lalo na hindi siya pinanagutan ng nakabuntis sa kanya."Sabi ni Tatay Henry
Napatango tango ako sa mga kinwento nito. Nag-iisang anak at nag-iisang apo kaya mahal na mahal ng mag-asawa. Malamang ay spoiled ang mga ito.
Kinabukasan ay maagang gumayak ang mag-ama na si Sir Wilbert at Ma'am Katherine.
"Kat, huwag mo na isama si Karish para may kasama naman ako rito." Sabi ni Madam Kamila habang nag-aalmusal ang mga ito.
"Yeah mom, I want to stay with Mamita. Boring naman sa Office ni Papito." Sabi ng bata
"Magbehave ka rito ha. Huwag ka magpapasaway Myish" suway ng mama nito
"Let's go Katherine, The meeting will start at exactly 9 in the morning. It's a bit traffic so it's better to leave early. Henry, come on. We have to go" Sabi ni Sir Wilbert habang nagpupunas ng bibig gamit ang table napkin.
"Mauna na kami,nak. Hintayin mo ako,mamaya ha. Bibilhan ko ng pasalubong ang nanay mo." ibinaba ni Tatay ang kanyang plato sa lababo at humigop sa aking kape. Bago umalis ay yumakap ito sa akin na bagay na hindi nito ginagawa noon.
"Ingat sa pagmamaneho, Tay" ganting yakap ko rito at tinapik pa ang likod nito.
Wala pang isang oras na nakakaalis sina Tatay ay nakatanggap kaagad kami ng mayamang balita.
"Mamita? Mamita! Help! Someone, please help Mamita!" Natatarantang sigaw ni Karishma habang hawak ang ulo ng kanyang lola. Sakto naman na palabas ako ng aking kwarto ng marinig ko ang pagsigaw nito.
"Anong nangyari sa kanya?"tanong ko rito habang dinadaluhan ko ito. Binuhat ko ito at dinala sa sofa.
Iniwan ko ito sandali at kumuha ng tubig. Nagbasa rin ako ng bimpo at ipinunasa sa mukha nito.
"Mamita"tawag ni Karishma sa hinimatay nitong lola na nag-uumpisa ng magising matapos Kong punasan ng basang bimpo ang kanyang mukha.
Pinaupo ko ito at pinainom ko ng tubig.
"Okay lang po ba kayo, Ma'am Kamila?" Sabi ko habang hinahaplos ang likod nito. Nang mahimasmasan ito ay tumulo naman ang luha nito.
"They're gone, Gael. Patay na sila" iyak ni Ma'am Kamila na Tila ikinabingi ko
"Pakiulit po baka Mali lang ang pagkakarinig ko" Sabi ko rito Pero maging ako ay nanginginig na rin ang katawan sa labis na Kaba.
"Naaksidente sila,Gael at walang nakaligtas sa kanilang tatlo" umiiyak na Sabi ni ma'am. Kasabay ng aking pag-uwi sa probinsya ay ang katawan ng aking ama na walang buhay. Nagbigay ng tulong pinansyal ang pamilya Weitzner subalit hindi pumunta ang mga ito sa living ni Tatay dahil dalawa sa pamilya nila ang nawala.
Nang mamatay ang asawa't anak ni Ma'am Kamila ay muling ibinalik nito sa ibang bansa ang apo at magkasama Silang nanirahan doon. Ang huling balita ko ay muling bumalik ang ginang ng Pilipinas walking taon na ang nakalipas dahil sa problema sa ari-arian na iniwan ng kanyang yumaong asawa.
____
Napabuga ako ng hininga ng maalala ang sarap at sakit na naranasan sa pamilyang Weitzner. Hindi ko namalayan na masyado ng lumalim ang Gabi Simula ng Iwan ako ni kuya Dex sa Kubo pagkatapos mag-inuman kung kaya nagpasya na rin akong umalis at pumunta sa aking bahay.