Araw ng linggo ay sinamahan ko si Kamila sa isang espesyalista dahil nangangamba ako sa kanyang kalusugan. Bawat araw ang nagdaan ay mas lalo itong pumapayat, pansin ko rin na mabilis na itong mahapo at ang mas nakakaalarma ay ang pag- ubo nito ng may kasamang dugo. Nagsagawa ng iba’t ibang laboratory exam ang doktor at ilang sandali pa ay dumating na rin kaagad ang mga results. “ Mrs. Weitzner. Mataas ang lason sa katawan niyo kaya kayo nanghihina at bumababa ang timbang mo.” “Lason? Anong ibig niyong sabihin, doc?” takang tanong ni Kamila “Arsenic Poisoning. Nalason po kayo and unfortunately sa tingin ko ay matagal na kayong nilalason dahil sa taas ng arsenic content sa inyong katawan, may sign na rin na nasira na ang kidneys niyo dahil sa prolonged exposure sa Arsenic. You also had

