GAEL’S POV Pagkaalis palang ni Aizen ay tinawagan ko na kaagad si Ambassador Xander upang ipaalam dito ang tungkol sa envelope na dala dala nina Aizen. Nakaupo ako sa sala at naghihintay ng magiging tawag ni Aizen sa naging resulta. Nag-aalala ako na baka kung ano ang mangyari sa mga ito lalo na sa gulong kinakaharap namin at malaking kompanya ang nakasalalay rito. Habang nagdarasal ay dumating naman si Delia dala ang mga pinamili nito. Hindi ko ito pinansin, bagkus ay nagpatay malisya. Nakahinga ako ng maluwag ng makatanggap ng tawag mula kay Aizen at sunod naman ay kay Ambassador Xander. Naging payapa kahit papaano ang aking tulog ng gabing iyon katabi si Karishma. Kahit pa maraming agam- agam ang aking mahal ay ipinangako ko sa kanyang magiging maayos ang lahat at hindi ko siya iiwan

