.
.
.
.
.
.
I don't know what to do, I am still confused, scared, shaking, and mental blocked. I-I don't know.
"Drink, Ishia. Drink" I look up at Wilbur, handing me over a bottle of mineral water. Im not really myself right now, I immediately accept what he offers, binuksan ito at hindi man lang ako natinag nang inumin ko ito ng dire-diretso. I cant think properly.
Ganito pala ang feeling na, if someone, in your family, knowingly in danger, or maybe...maybe- pero wag naman sana, in the edge of life and death, it was the worst feeling, Of all time.
"Calm down, okay?" Wilbur tried to make me calm, kahit na alam ko'ng pati sya ay hindi narin malaman ang gagawin.
"Don't worry about me na...H-he will be fine" But I really can't convince myself that he is!
Dad will be fine..dad with be fine..dad will be-
"Dito na tayo- Ishia!" I just jump out of the car, run towards the lobby, ask for my father's location, and run again.
I don't care anymore!
"Shiara! Wait up!"
"wtf? Did she just jump out?! Isha!"
"Fvck this, Let's go!"
I know sinusundan at hinahabol nila ako. Im still shaking, you know. This is serious. Pero kailangan kong kumalma, wala ito'ng maibibigay na matinong resulta sa akin.
Sa malayo palang, kita ko na ang mga Nakaunipormeng mga pulis na nag-uusap. Nang maramdaman nila ang presensya ko ay agad silang tumingin sa direksyon ko.
"haa...sir-haa...ano pong n-nangyari?.." hinihingal na tanong ko. Ang babae'ng pulis sa kanila ay lumapit sakin para himasin ang aking likod for some reason, I find it helpful naman sa hindi ko alam na dahilan.
"base sa mga nakunan namin ng impormasyon, ang mga taong nakaingkwentro ng iyong ama ay isa na dating nakasagupaan na, kaya napunta na ito ngayon sa ganitong insidente" what?how? May nakakaaway ang papa ko?
"Gayon pa man, iniimbestigahan na namin muli ang pwedeng mga posibilidad ng pagaaway nila'ng ito" nakinig lamang ako. Tumango ang dalawa sa kumakausap sa akin bago naglakad papalayo.
"Sir, sino po ba ang nakaaway ng papa ko?" mabait naman ang papa ko, Alam ko namang wala sya'ng nakakaaway, wala rin naman sya'ng dahilan para makipagaway, ang bait bait ni papa..
"Ayun sa mga nakakaalam, Isa sa mga nakilala ng mga nakakita ay si Ashwin Montimor"
"ANO?! seryoso ba kayo?!" Nagulat ako sa sinabing pangalan ng Pulis. Lalo na si Chandler.
"bro, chill out.." pagpapakalma ni Jimo kay Chandler.
"No, bro. Imposible na si tito Ash ang nanakit kay tito Sio! Sigurado ba kayo?!" pasigaw na ang boses ni Chandler.
"kung hindi man natin alam, siguro sa kanila-kanila nalang yun.." paliwanag ni Jimo kay Chandler na posible nga, hindi pa siguro namin ito maiintindihan kung meron man silang sariling dahilan para magkasakitan, pero mali parin idaan sa dahas ang galit...
"Chandler.." Ako na ang lumapit sa kanya. Nasa harapan na nya ako, kita ko sa kanyang mga mata ang sobrang galit at pagtataka.
"Please, kumalma ka muna...chandler.." Ayoko ng sigawan. Hindi ko gusto ang paraan ng pagsisigawan lalo na't kung may galit itong dinadala.
"S-sorry... I-Isha" he looked away. Hinawakan ko lang ang dulo ng sleeve ng kanyang damit at mahinahong tumango.
"Is tito Sio alright?" tanong ni Karl na nakahabol na sa amin.
"Maayos na ang kalagayan nya. Pwede nyo na sya'ng silipin. Mauuna na ko.." tumango ang mga lalake sa kanya samantalang ako naman ay agad na pumasok sa loob.
"Pang!" Nang makita ako ni papa ay agad sya' humiga ng maayos ngunit pinipigilan sya ng kanyang mga sugat, kaya't lalo lang syang nasasaktan. Hindi ko na muna hinawakan si papa dahil hindi ko alam kung saan ba ang masakit sa kanya.
"Risha, anong ginagawa mo dito?" sinusubukan nya'ng tumayo ngunit alam nyang hindi na kaya.
"Hindi mo dapat nakikita si papa na ganito.." Opo papa, ayoko sana na malagay ka sa lugar na ito, pero kailangan.
"pang, iwasan mo munang gumalaw-galaw, masasaktan kalang lalo.." mahinahon kong utos sa kanya, tinignan nya ako sa mata, tumango ako at ngumiti.
"Gagaling ka pang, makakalabas ka dito" tumango si papa katunayan na lumaban sya.
"sSa ngayon dumito ka ho muna.. delikado parin ang buhay mo sa labas..." tumingin sya sa malayo, alam nya na alam ko na.
"T-tito Sio.." Tuluyan nang pumasok ang apat.
"Mga hijo.." ngumiti lamang sa kanila si papa. Hinawakan ni papa ang kamay ko, "anak, Risha. Mga hijo..." tumingin kaming lahat kay papa, anong sasabihin nya?
"Huwag na sana kayong makialam sa... away namin ni Ashwin..."
Nangunot ang noo ko. Gusto kong magsalita, pero kailangan ko munang isantabi ang galit ko, umiling ako.
"pang, kailangan kong malaman ang dahilan" seryosong sambit ko habang mahinhing biniitawan ang kamay ni papa, hinarap ko ang mga lalaki, "kailangan namin lahat malaman iyon.." Lumingon ako kay Chandler, alam kong nasasaktan at nagagalit sya ngayon dahil sa ginawa ng tito nya.
Malamang may malalim ito'ng dahilan... kung tatanungin ko man si papa ay siguradong hindi nya ito sasabihin. Kaya't kami nalang ang hahanap ng paraan pala malaman ito...
"S-Sio.." Mabilis kaming lumingon sa pintuan ng pumasok si mama. Agad siyang lumapit kay papa ngunit hindi nya rin alam kung papaano mayayakap o mahawakan si papa dahil sa sugat na nasa iba't ibang parte ng katawan nito.
Bumaling ang tingin sa akin ni mama, "Risha, ako na ang bahala rito. Ikaw na muna ang magbantay sa kapatid mo.." nangingiyak na sabi ni mama sa akin, Dampi niya ang aking kanang pisngi ng sabihin nya iyon. Agad akong tumango ng maibaba ni mama ang kanyang kamay at napunta na ang atensyon nya kay papa.
"I'm so sorry, Irish.." nakatingin sa malayo ng sabihin ito ni Chandler. Hindi nya kailangang humingi ng tawad.
"No, Chandler. Hindi mo ito kasalanan.." hinawakan ko ang kanyang mga kamay, parang yelo na ito sa lamig.
"Sasamahan ka muna namin, Isha. Baka balikan ka ng kumag nayun.." naiinis na sabi ni Jimo. Dahil narinig iyon ni Chandler ay mabilis nyang kwinelyohan si Jimo,
"Anong sabi mo?" Nagtitigan silang dalawa. Agad akong namagitan pero nandoon arin ang kamay ni Chandler sa kwelyo ni Jimo.
"T-tama na.."
"Ang sabi ko, Baka balikan sila Isha ng KU-MAG nayon.." mariin na sagot ni Jimo. Hindi talaga maganda kapag silang dalawa ang nagaaway..
"Wag mong pagsasalitaan ng ganyan ang tito ko..." nanggagalaiting sabi ni Chandler kay Jimo. Hindi na nagsagot pa si Jimo ngunit napansin sila ni mama, "Boys! Kung wala na kayong gagawin rito pa ay umuwi nalang kayo sa inyong mga magulang" medyo may galit na sa boses ni mama, minsan ko lang ito marinig sa kanya, nang alam nila na galit na si mama ay agad silang nag lie-low, binitawan na ni Chandler ang kwelyo ni Jimo ngunit hindi parin maalis ang galit nya rito. Ganoon din ang titig ni Jimo na hindi nagpapatalo.
"T-tara na..Chandler.." mahinahon kong hinawakan ang dulo ng damit ni Chandler na hanggang ngayon ay nakatitig parin kay Jimo. Nang makalabas kami ay malalim na bumuntong hininga si Chandler at ginulo pa nya ang kanyang magulong buhok.
Sunod-sunod na nagsilabasan ang tatlo, nauna nalang maglakad si Chandler para siguro maiwasan ang gulo.."Jimo..Please? Wag na sana mauulit pa iyon" mababaw ang ngiti nya na binigay, isinukbit niya ang kanyang mga kamay sa bulsa ng kanyang Shorts, nagsimula narin syang maglakad, sumunod ako sa kanya na sinabayan naman ako ng dalawa pa sa aking tagiliran.
"Tito will be okay, sinabihan ko na si mom na tawagan ang personal doctor namin for better outcome" tumingin ako kay Wilbur na nakangiti, Wilbur and his family was always been there kapag kinakapus kami, kapag nagkakasakit ang mga kapatid ko, he never failed to offer us their family's kindness kahit hindi na namin ito nababayaran.
"Thank you talaga Wilbur, for everything" alam kong ilang beses na nya itong narirnig sa akin, pero hindi sya nagsasawang ngumiti.
"Tutulong muna kami sa inyo, baka hindi makakauwi si tita, don't worry too much, okay ba?" Hindi ko napansin na pinupunasan na pala ni Karlo ang luha ko, umiiyak ba ako? I blink for alot of times, my eyes sores. I hate crying in front of them, nakakahiya..
"There, there~" Sinimulang I-pat ni Wilbur ang ulo ko, s**t bakit kinikilig ako sa mga taong to!
"It's okay to cry darling~" nagulat ako sa sinabi ni wilbur, teka tama ba ang narinig ko?