Dahil sa nangyaring halik ay mas lalo akong hindi nakatulog. Nakaidlip ako ng kaunti ng mag uumaga na pero agad ring nagising dahil sa ingay ng mga kasama ko sa kwarto. Nagkukumpulan sila sa isang sulok at may pinapanuod sa cellphone na hawak ni Sabrina. "Ay!" Sabay sabay na tumili ang mga ito at sabay sabay ring nagtakip ng bibig matapos akong lingunin sa aking higaan. Hindi ko na sila pinansin at nagtalukbong na lang ako ng kumot at saka muling pumikit dahil sa sobrang bigat ng aking mga mata. Nakatulog akong muli at paggising ko ay wala na ang mga kasama ko dito sa kwarto. Matapos kong maghilamos ay bumaba na rin ako para tingnan kung nasaan ba ang mga tao dito sa bahay. Napaka tahimik ng paligid. Umuwi na yata sila at iniwan na ako dito. "Good afternoon po, Miss Lorren," bati ni

