"PINAUTANG nang pinautang ni Chloe si Mama para mapasunod ito sa mga gusto niya. Sinabi niyang ipakukulong niya si Mama kung hindi ito makakabayad sa pagkakautang sa kanya. Pero kung walang pambayad si Mama, hiningi niyang bayad, is, gumawa si Mama ng paraan para maghiwalay tayo, at siya ang pakasalan ko. After that, absuwelto na si Mama sa pagkakautang niya, since, magbiyenan na sila. So, gumawa si Mama ng paraan para magkita kami ni Chloe, and also, para maghiwalay tayo." mahabang paliwanag ni Greg sa nobya na nakayuko lamang at matamang nakiking. "Nang dumating ako sa bahay kanina, nand'on nga si Chloe, she really believed, na nasira niya na tayo--" "Almost." mahinang putol ni Toni na sinundan ng malalim na paghinga. Naiiling na lalong hinigpitan ni Greg ang pagkakahapit sa kanya. "N

