Rhoda and Jake

1535 Words
Jessie’s POV Nasa harapan na ako ng Blue Mountain University , at ayon sa aking  nabasa at pagkakatanda,  isa itong unibersidad dito sa  Syudad ng Sierra . Ang nagmamay ari nito ay ang pamilya ng Alpha ng Blue Mountain which is sila Alpha Mateo. May dalawang Pack ang Sierra. Ang Blue Mountain Pack... Kung saan ako nabibilang at Red Rock Pack, kung saan naman nabibilang si Rhoda. Teka nga, bakit nga ba dito nag aaral si Rhoda?, eh may University din naman sa kanila… hindi nabanggit sa istoryang nabasa ko eh. Ah, di bale, masaagot din yan. Papa simple akong magtatanong sa kanya pag nagkaroon ng pagkakataon. Ayon din sa pagkakatanda ko, Ipinangalan ang kanilang lugar at Pack dahil sa precious stones na namimina dito. Sa Blue Mountain ay Sapphire at sa Red Rock naman ay Garnet. Ok, ok, got it. Ngayon, problema ko na lang kung paano mahahanap at makikilala sina Rhoda at Jake. Sandali, oo nga pala, meron din silang description… “Aray ko po!, ano ba?!” bigla kong sambit dahil may bununggo sa akin. “Girl! Ano na? Tatayo ka lang ba diyan? Ang lalim yata ng iniisip mo?” sabi ng isang babae “ Oo nga, alam mo ba Rhoda, kanina pa yan parang tuliro nung tinawaga ko, di makasagot ahmmm… lang ng ahmmm…” sumbong ng lalaki sa babae. Napa nganga pa rin ako sa harap nila at tinitigan sila. Tama! Ito na marahil si Rhoda at Jake.ang babae ay may  maikling buhok , itim ito at may highlights na Red sa bandang harapan, Check! At in fairness, ang pretty ni Rhoda pala.  Ang lalaki naman ay medyo malambot magsalita at sinabi na tumawag sya sa akin kanina which is I assume is Jake. Take note, ang gwapo nya. Tama na ang description sa istorya na kahit malamya ito at possible na maraming magkagusto dito. Kung sa nabubuhay lamang sa aking mundo ay tiyak pwede silang maging Artista. Ganun sila kagagandang nilalang. At siyempre, pati na rin ako.. Este si Jessica pala. Pwedeng pang Primetime Queen! Napahinto ako sa aking iniisip ng pumalakpak si Jake sa aking harapan. “Pak, may lamok” biro si Jake. “Pasensya na kayo guys, medyo masama kasi ang pakiramdam ko” , wika ko “ Kaya naman pala tulala ka Girl. Uminom ka na ba ng gamot ? tanong naman ni Rhoda “Oo, uminom na ako” pagsisinungaling ko naman. “ Pero nagugutom ako, hindi pa ako nag almusal eh” “ Ay, meron akong cookies at tubig ako dito, Eto kainin mo at mag uumpisa na ang klase natin in 15 minutes, maglalakad pa tayo sa building natin. “How convenient, oo nga pala… tawag ko kay Rhoda nung binabasa ko pa ay Cookie Monster hehehehe” sabi ko sa isip ko. Maraming bumati sa aming mga estudyante, halos lahat ay alam ang pangalang Jessica. Tama nga ang istorya, sikat sya, ano nga ba iyon… Campus sweetheart. Hindi ko pa alam kung papaano ko sila maiiwas sa trahedya sa susunod na buwan. Kailangan ko silang iwasan kung ganun. Pagpasensyahan na sana nila ako ngunit kailangan ko iyong gawin. Kung tama ang aking kalkulasyon, ay meron akong 5 weeks. Sa ngayon, kailangan ko muna silang kasama para malaman ang mga bagay bagay dito sa mundong ito. At syempre, kung sino si sino at kung ano ba talaga ang pagkatao ni Jessica. Mamaya ko na iisipin kung ano ang mga kailangan kong gawin at s**t, oo nga pala. Paano ba ako mapipilay...Kunyari mahuhulog sa hagdan? Charot! Brutal naman nun. Kunyari matatapilok? Pwede….. “Oo nga pala girl, you are so pretty today, I like your outfit!”  Excited na sabi ni Rhoda. OMG, eto ung dialogue sa istorya… sige sige, masundan na lang ayon sa pagkakatanda ko. Wala naman mangyayaring masama sa part na ito eh” wika ko sa isip ko “So Awra mo nga  today ha, di halatang mag nararamdaman ka.” Dugtong naman ni Jake. “ Mana lang sa inyo guys!” gaya ko sa dialogue na nakangiti. Sabay kaming nagtawanan na tatlo. “Oo nga pala guys, baka maaga akong umuwi mamaya, naimbitahan kasi ako ng isang kasapi ng Konseho sa kanyang bahay. May pag uusapan yatang importante.” wika ko “ Ano daw ba yun girl?” curious na tanong ni Jake“ “ Hindi ko alam eh. “ sagot ko naman “ Any idea that pops in mind?” na mas lalong curious na tanong ni Rhoda “ I really don't know guys, but whatever it is, importante yun”. Hindi  ko na muna sinabi kahit alam ko naman na ang pag uusapan mamaya.  Papasok na kami sa aming classroom  ng may narinig kaming tawanan sa Hallway. Aha… Eto yung part na parang may binubully. Sambit ko sa isip ko “ Ano naman kaya yun?” Pagtatakang tanong ni Jake sa dalawa. “ Aba ewan, baka naman may pinagtritripan dun o may nagkakasiyahan lang. Tara na at nang makaupo na at malayo nilakad natin. Bakit naman kasi nasa dulo tong Department building natin eh” pagrereklamong sambit ni Rhoda. Hindi ko na sana lilingunin doon pero na curious ako. Natanaw ko ang isang lalaking nakayuko. Pinilig ko na lang ang aking ulo at pumasok. Problema ko ngayon kung saan umupo. Di ko alam… shocks! Pinauna ko muna sila at inobserbahan kung saan sila uupo.  Umupo si Rhoda sa dulo malapit sa bintana at si Jake naman ay umupo na rin. May bakante sa pagitan ng dalawa. So 90 percent chance na doon dapat ako uupo. Nakanaks naman! Ang galing ko. Lumapit na ako doon at umupo. Inilabas ko ang nakita kong notebook at tinignan ang nakasulat doon, parang Math... Hindi ko lang sure kung ano nga ba ang subject namin na ito. Pa simple akong sumilip sa papel na hawak ni Jake at nagtanong. "Uy , ano yang hawak mo?" " Assignment natin, di ka ba nakagawa?" Tanong ni Jake "Patingin nga muna…" binasa ko ang nakasulat at napagtantong ito ay isang uri ng Math. So , ibig sabihin, Math ang klaseng ito. Binuklat ko ulit ang notebook na hawak ko hanggang nakita ang pinakadulo na wala pang sulat. May nakita akong papel na naka ipit doon. I unfolded it and to my surprise, it is the assignment that Jake mentioned about. So gumawa pala talaga si Jessica. Buti naman.  "Heto pala ang assignment ko" pagyayabang ko kay Jake. "Nice, akala ko hindi mo nagawa. Kung hindi, may 5 minutes ka pa para kumopya hahahaha!" Tawang sabi ni Jake " I know right?!" Maarteng sabi ko naman.  Lumipas ang ilang oras ay Lunch na. "Tara guys, eat na tayo, gutom na talaga ako. Alam nyo yun, yung parang galing ako sa mahabang paglalakbay" wika ko sa dalawa.  "Tamang tama Girl, It's pizza day. Meat overload, here we come! " masayang sabi naman ni Rhoda.  I know for a fact na mahilig ang mga taong Lobo sa meat. Marami na rin akong nabasa tungkol sa kanila noong nasa sariling Mundo pa ako. Kaya siguro gutom na gutom ako. Nasa katawan ako ni Jessica na taong Lobo. Kung ako lang bilang Jessie, kaya kong hindi kumain maghapon.  Nagulat ako ng ilapag ni Rhoda ang tatlong box ng Meat Overload Pizza. Tig isa daw kami. Paano ko mauubos to? Sinimulan na namin kumain… and to my surprise… naubos namin ni Rhoda ang sa amin. Si Jake naman ay nangalahati lang, so kami na umubos ni Rhoda. Tawa lang ng tawa si Jake… Hayyyy, bigla ko tuloy ba miss si Chelsea. Masayang lumipas ang lunch at matapos na din ang klase sa afternoon. Kailangan ko ng magawa ang aking pag arte na kunyari napilay Ako o di makalakad para maihatid nila Ako sa bahay ni Lola . Paano kaya ito. Palingon lingon ako ng may makita akong malaking bato ba nakausli sa dadaanan namin. Sinadya kong tapakan iyon at umarte na parang natapilok. " Aray ko…. " paawa epek ko. " Omg girl, Ok ka lang ba? " tanong ni Jake "Ang sakit guys, di yata ako makalakad ng maayos.." at kunyari may luha pa ako "Don't worry, dalhin ka muna namin sa second cousin mong Nurse dito sa school bago tayo umuwi" sabi naman ni Rhoda. " at sandali lang ok na yan, di ba nga, we are special…” dagdag pa nito Oh, I see. So may kamag anak pala ako dito sa school at of course, nasa larangan ng panggagamot. Even better, dito na lang ako papadala sa Lola nila… sabi ko sa sarili. Nakalimutan ko rin na tama, madaling gagaling ito dahil kami ay taong Lobo. Mas aartehan ko na lang . Tutal, alam naman nilang pumasok ako ng masama pakiramdam, plus natapilok pa ako. Keri to. Dinala ako ng aking mga kaibigan sa clinic at doon, nakilala ko ang aking pinsan na si Darlene. Nakumbinsi naman ito na kailangan ko ng tulong at Siya na ang maghahatid sa akin papunta kay Lola Metring.   Napansin kong umaayon naman sa akin ang pagkakataon at hindi ako so far nahihirapan sa mundong ito. Sana matuloy tuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD