Jessie’s POV Papunta na ako ngayon sa address kung saan dinala ng mga Rogue si Lola. Ang mahalaga para sa amin ngayon nila Jessica at Dakota ay ang kaligtasan ni Lola. Mahirap ang aming naging desisyon, pero dahil nga buhay ang nakataya dito, minarapat naming pumunta. Alam kong lubhang masasaktan si Boo sa aming Desisyon, pero kailangan. Inisip ko talaga na humingi ng tulong, pero nabanggit din kasi sa akin nga tumawag na may nakamanman sa akin at alam nila ang lahat ng magiging galaw ko, at malalaman din nila kung may sumusunod sa akin. At sa oras na may makita sila, ay pupugutan na nila si Lola ng walang pag aalinlangan. Bago ako umalis ay nag iwan ako ng Sulat. Sobrang sakit ng aking nararamdaman habang sinusulat ito. Tagos hanggang kaluluwa ko. Iiwan ko din sa kanya ang aking brace

