Lennox’s POV
Muntik ko ng hindi mapigilan ang aking sarili noong nakaraang Martes.Iyon ang unang araw na hinatid ko si Jessie Boo sa kanyang bahay. Isa pa itong si Dark, gustong gusto na Lumabas, Atat na atat na. Ang sarap naman kasing damhin ang bango ng aking Boo. Amoy pa lang, pang unli rice na!
Alam ko na tanggap nya ako , no doubt about that. Alam ko din na may problema sya dahil nararamdaman ko iyon. Gusto ko sana syang mas maging open sa akin, lalo na at pang habang buhay na kaming magsasama. Gusto ko syang damayan sa kahit ano pa mang nararamdaman niya.
Medyo nag tampo ako dahil sa hesitation na nakita ko sa kanya na i share sa akin kung ano man iyon na sabi nya ay malalaman ko rin naman sa takdang panahon. Pero nawala agad ang tampo ko ng sabihin nya na Boo ang magiging tawagan namin at hinalikan pa nya ako. Tumalon ang puso ko sa galak.
Pagkauwi ko sa bahay ay hindi pa rin mapalis ang aking ngiti. Nakasalubong ko ang aking Ama na si Alpha Lando sa may pinto na para bang inaabangan talaga ako.
“ Good evening Daddy! “ Bati ko sa aking ama
“ Good evening Son…, so nabalitaan ko sa Beta mo na si Ted na natagpuan mo na daw ang Mate mo. Kailan mo sya dadalhin dito?” tanong ni Dad
“Hindi ko pa alam Daddy eh” sagot ko naman sa ama ko
Nakarating na kami ng dining room para kumain , pero kinukulit pa rin ako ni Daddy, narinig tuloy ni Mommy Faye. Pati ito ay nangulit na rin. Buti na lang at wala dito ang aking kambal na si Ashley, kung hindi ay kukulitin din ako nun.
Pagkatapos namin kumain ay narinig ko ang aking ina na may tinatawagan, at siyempre, binalita na sa aking Kambal ang tungkol sa aking Mate. Kukuha na daw ng ticket ang aking kambal pauwe. Hihingi daw sya nag bakasyon.
Kasalukuyang nasa ibang bansa ang aking kambal dahil ito ay nag aaral ng Magic. Bata pa lang ito ay mahilig na ito sa salamangka. Proud naman sila Daddy dahil nakapasok ito sa School of Magic na linggid din sa kaalaman sa karamihan ng mga tao. Ito ay isang secret school at piling pili lang ang mga nakakapasok na tao dito. Dito rin makikita ang ibat ibang di pangkaraniwang lahi sa mundong ito.
“Anak , bakit ba ayaw mong sabihin ang pangalan ng mate mo.. “ pilit ng Mommy nya
“Kasi naman Mom, baka ipamalita mo agad, tulad nyan , alam na ni Ashley” sagot ko naman.
“Hindi anak, promise, tayo tayo lang muna” pagsisiguro ni Mommy
“Ok… her name is Jessica , Jessica Vega” wika ko
“Magandang pangalan! Tiyak maganda din anak noh? ” sabi ni Mommy
“Of course Mom!” Proud na sabi ko
“Ka anu ano pala niya si Apo Metring?, ang mga Vega na angkan ng mga manggagamot ng Blue Mountain?” tanong ni daddy
“Di ko pa lang po alam Dad, pero yes, kasapi sya ng Blue Mountain Pack. Iisa lang naman lahi ng mga Vega, for sure apo po sya nito” wika ko
“Mabuti kung ganun, It is an advantage kung magkakaroon ka ng Lunang marunong mang gamot. Makabubuti ito sa ating Pack.” masayang sabi ni Daddy.
Excited na talaga akong ipakilala si Boo sa aking mga magulang at sa buong pack. Excited na rin ako sa aming magiging future family.
Friday ng gabi ay dumating si Ashley at tinanong agad ako ng samut sari. Gusto na din daw nya makilala si Jessica. Gusto din daw nya na pumunta sa Blue Mountain Pack. Itong kambal ko talaga ,oo, gusto lang naman pumunta ng Blue Mountain nyan dahil para makita ang crush nya. Crush nya si Matthew, ang anak ng Alpha ng Blue Mountain.
Noong mga bata pa kami, nagkakataon na may mga pagtitipon ang mga Alpha family, kaya kilala namin sila Matthew. Matagal ng crush ni Ashley si Matthew , unang kita pa lang nya dito noong mga bata pa lang kami. Pero mula ng mag teenager kami ay hindi na kami sinasama nila Dad sa mga Alpha Meet.
Hindi basta basta nag kakagusto ang uri namin, lalo na ang magmahal. Minsan lamang, doon sa aming mate. Kaya nakakapagtaka na sa murang edad ni Ashley, ito ay nagkagusto na. Ang sabi sa amin ni Ashley ay humahanga lamang daw siya at wala na iyon ngayon. Mas priority daw nya ang kanyang studies muna at hihintayin na lang daw nya ang kanyang mate.
Sinabi ko rin sa mga ito na may date kami ni Boo dito sa Red Rock. Inihanda ko ang treehouse na sadyang pahingahan namin sa gubat ng Pack. nilinis ko ito at nilagyang ng konting palamuti. Mayroon din akong nilagay na mumunting ilaw para mas romantic ang dating. Maayos ang pagkagawa nito at kumpleto sa gamit.
Pinakiusapan ko din sila na pamilya ko na huwag kami istorbohin at baka mahiya ang Boo ko. Um- oo naman sila na sana ay tuparin nila.
Nabanggit din ni Dad na malapit na nyang isalin sa akin ang pagiging Alpha at kailangan ko ng magsanay pa lalo. At isasama daw nya ako sa mga susunod na lakad nya. Siyempre excited na din ako at sisiguraduhin kong maging isang mabuting Alpha. Para lalo ma inlove sa akin si Boo heheheh… na miss ko tuloy sya. Excited na talaga ako para bukas. Hindi ko lang alam kung mapipigilan ko si Dark na mag take over. Everytime kasi na magkasama kami, ay hot na hot itong si Dark.
Ang sabi din naman ni Boo sa akin, ay after ng date namin, mag shift daw kami at hayaang maglaro sina Dark at Dakota. Tiyak magiging masaya ang dalawa. Ito rin ang magiging first time nila magkita. Nirerequest din yun ni Dark noong mga nakaraang araw, pero ang sabi lang ni Boo ay pinaghahandaan daw si Dakota.
Sabi ni Mommy, magluluto daw siya ng Roast beef para dalhin ko sa Date namin. Dito naman gaganapin sa Red Rock Pack at ako ang lalaki kaya ako na ang bahala sa lahat. Gagawa din daw ng pie si Mommy na kanyang special recipe. Mayroon kami lagi nito sa bahay at ito rin ang paborito naming magkapatid. Matitikman ni Boo ang luto ng Mom ko. Sana magustuhan nya.
Sana lamang ay tumupad ang aking mga magulang at kambal na hindi pupunta doon. I want everything to be perfect. Malay mo maka… Hay naku, erase erase. Nirerespeto ko ang gusto ng aking boo. At dadating din kami doon. Ang importante, ay alam ko na akin sya. Akin lang , at ako naman ay kanya. I love her so much...