Affected Much?

1095 Words
Kumatok ang Ina ni Jessie sa kuwarto niya . Tok,tok,tok! “Anak, anong nagyayari sa iyo diyan, bakit na napalahaw ka. Buksan mo itong pinto!” malakas na sabi ng kanyang ina “Ay sorry po Ma, na buwisit lang ako dito sa binabasa ko.” sagot naman niya sa kanyang ina. “ Eh ikaw itong buwisit eh, akala ko kung ano na ang nangyari sa iyo. Kailan ka ba titino na bata ka ha?! Hala uy, dalaga kana. Mag seryoso ka na sa buhay. Puro ka naman kalokohan anak” mahabang litanya ng kanyang ina. “Ma naman, suportahan mo naman ako sa nararamdaman ko ngayon, kung ikaw nasa katayuan ko….maiinis ka talaga kay Jessica na may pagka duwag at tanga!  at eto pa…. “ di na naituloy pa ni Jessie ang kanyang sasabihin ng batukan na siyang tuluyan ng ina.  “At nag drama kapa. Kahit na ikuwento mo pa sa akin kung sino man yang Jessica na yan, ay di ko rin siya kilala at wala akong pakialam. Hala sige, para naman matuwa ako sayo, maglinis ka ng bahay! Ang yung mga damit mo, labhan mo.” utos ng ina “ Aray ko po naman Ma. Opo... ” napalabi at sabay kamot sa bahagi ng ulong nabatukan. Nagsimula ng maglinis ni Jessie sa kanilang bahay. At pag katapos at sinalang na niya ang kanyang mga labahin. Habang ginagawa ang mga gawaing bahay ay sumasagi pa rin sa kanyang isip si Jessica at ang mga pangyayari. Ewan din niya sa sarili kung bakit ba affected na affected siya. Ganun nga siguro ang kasabihan na , “Magbiro ka na sa lasing, huwag lang sa bagong gising”.... “ eh?! Saan naman nang galing yun Jessie? ” singit ng utak ni Jessie sa kanya. “Hay naku my brain, di ba nga… di pa nag aalmusal ay nagbasa na agad. Pasok yun sa kasabihan” pag dedepensa naman ni Jessie sa kanyang Utak.  Makalipas ang ilang oras ay patapos na sa Jessie at isasampay na ang mga nilabhan ng biglang narinig niya ang Nanay na kumakanta ng isang Regine Velasquez song.. “ Kung maibabalik ko lang” Feel na feel nang kanyang ina ang pagkanta. “Ayan tayo eh, eto at naalala ko na naman si Jessica at ang kanyang katangahan. Tamang tama yang kantang yan sa kanya… Kung maibabalik ko lang! Kung maibabalik lang nya, na sana at kumunsulta na sya sa kanyang Lola, di sana napahamak si Jake!” parang tanga lang na palatak ni Jessie mag isa. “ Let it go Jessie….” sabi ng kanyang isip. “ Hindi ako si Elsa to let it go brain….” sabay kanta ng “Let is go” . “Malala ka na talaga Jessie” habol komento ng kanyang isip. “ Mana lang sayo Brain, remember, we are one….” Umabot ang hapon. Chineck ni Jessie ang kanyang Social Media at nakitang nag message sa kanya ang isa sa kanyang malapit na  kaibigan na si Chelsea. Celso sa umaga, Chelsea sa gabi. Yes, Si Chelsea ay may pusong Mamon. Kaya nga siguro affected din talaga siya sa nabasa dahil napahamak ang BFF ni Jessica na si Jake, eh, may BFF din siya na tulad nito. Ito nga ay si Chelsea. “Ayan na naman ako, my god, Jessica na naman!” napatampal sa noo nya si Jessie. “ Baka naman hanggang panaginip ay si Jessica pa din, naku day, mababaliw na ako. Buti sana kung si Matthew ang mapanaginipan ko kahit inis ako ng konti sa kanya… hehehhe…. Momolestiyahin ko siya sa panaginip ko! Bwahahhahah!” parang baliw na sambit lang ni Jessie sa kawalan. Anyway, back to Chelsea. Tinawagan ni Jessie si Chelsea sa Messenger. “ Hi Bear!” bati ni Chelsea sa kaibigan. Bear ang tawagan nila ng mag BFF.  “ Hello naman dyan Bear, Kamusta?” bati ni Jessie kay Chelsea “ Eto , may date ako ngayon Bear!” excited na sabi ni Chelsea “ Wow, lingo lingo na lang ha Bear, iba iba ang fafa mo, mamahagi ka naman… beke nemen…” pabirong sagot ni Jessie “ Eh kung di ka ba naman loka loka. Matagal na kitang nirereto sa Pinsan ko, Minsan naman ay pagbigyan mo ang paanyaya ko. Mabait si Brandon, at may itsura naman yun. Pakilala lang naman muna, hindi naman agad jowa.” ika ni Chelsea “ Hehehe, Kakaibiganin o Jojowain?” pabirong sagot ni Jessie. “ biro lang, enjoy your date Bear. Sana matagpuan mo na si Destiny. Para naman stick to one na at hindi linggo linggo. Daig mo pa ang may flavor of the Month. Ikaw na!, Uwe na ako, may nanalo na!” “ Aray ko! Aray ko!” biglang sabi ni Chelsea.  “ Bakit Bear? Anong nangyari?” tanong naman ni Jessie. “ Yung buhok ko bear, naapakan mo sobrang haba eh . Hahahahaha. Abot dyan , tumawid ng messenger, labas sa screen” Nagtawanan na ang dalawa. Iba talaga ang may kaibigang Beki, Everyday Happy! “ Sige na Bear at maghahanda na ako. Alam mo na, pa-beauty ng todomax.” paalam ni Chelsea “ Sige Babush Bear. Ingat and Goodluck! Paalam din ni Jessie. Kinagabihan ay naghanda ng matulog ni Jessie. Ipinapanalangin nya na, sana naman ay makalimutan na nya si Jessica kinabukasan. Buong araw na binabagabag ni Jessica ang kanyang utak. Pati ang utak niya nag nakikipagtalo na rin sa kanya. Baliw diba. Mabuti na lang talaga na may mga gawaing bahay at kaibigang umukupa sa kanyang oras. Kung hindi, ay buong araw niyang aawayin sa utak si Jessica. “ Hay, Jessica na naman!” “ erase, erase , erase!”  .Habang nakahiga ay naisip nya bigla ang sinabi ni Chelsea about sa inirereto ng kaibigan sa kanya. Pinsan ito ni Chelsea. Di pa din nya ito nakilala. Siguro, kung talagang gusto na nya magka jowa eh, baka pumayag na syang makipagkilala dito. Wala pa kasi sa isip nya ang pag jojowa. Masaya na siyang magarap muna ng gising. Ano nga ba ang ideal guy nya? Sa totoo lang, di naman talaga sya particular sa itsura ng isang guy. Ang mahalaga, mabait ito, romantiko at masipag. Plus na rin kung matalino pa. Bonus din kung marunong kumanta. Para naman lagi siya kiligin. Yan, imbis na makatulog, ay para siyan kiti kiti at paikot ikot sa kanyang kama.  Pinakalma muna niya ang sarili at pinilit nang makatulog. Maya maya lamang ay nilamon na sya ng dilim at nakatulog na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD