CHAPTER 4

1501 Words
FREYAH'S P.O.V. "Ahh, Eloisa, sandali nga!" Nagmamadali itong maglakad. Habang ako hirap na hirap sa paglalakad dahil sa suot kong sandals. Inis na lumingon si Eloisa. "Bakit ba Freyah? Bilisan mo malapit na tayo!" "Ang sakit na kasi nang paa ko pwede bang tanggalin ko ang sandals na ito. At magyapak na lang ako?" Pinanlakihan ako ng mata ni Eloisa "Wag na wag mong gagawin 'yan! Hindi mo ba nakikita nasa loob tayo ng Mall. Nakakahiya!" "Saan ba kasi yang Bar na 'yan? Pagod na pagod na ako. Dapat hindi na lang ako sumama. Mukang hindi na yata ako makakalakad bukas." "Halika ka nga!" Hinila ni Eloisa ang isang kamay ko. "Teka lang! Madadapa ako! Aray ha!"Inis kong sabi. Hinihila kasi niya ako. "Malapit na tayo! Mag-E-elevator na tayo!" Aniya. Wala akong nagawa kundi ang sumunod kay Eloisa. Kahit puro paltos ang mga paa ko. Pagsakay namin sa Elevator. Hilong-hilo ako dahil First time kong sumakay doon. Umiikot tuloy ang paningin ko. "Nandito na tayo! Freyah." Ani Eloisa habang nakatayo sa isang bar na nasa 4th floor ng isang malaking mall. Pinagmasdan ko ang buong paligid. Ito ba 'yung sinasabi ni Eloisa? Oh- my gulay! napahawak ako sa mukha ko sa sobrang inis. "Ma'am bawal po ang magdala ng pagkain sa loob." sita sa sa'min ng guard. Kumunot ang noo ko. "Candy at mani lang naman ito ah," react ko. "Kahit po candy bawal meron naman po sa loob ng mga pagkain doon na lang kayo bumili." "Ano? Bakit gano'n?" "Freyah! Hayaan mo na may manglilibre naman sa'tin ng pagkaen do'n, itapon mo na 'yan!" "Huh? Itatapon ko? Sayang kaya!" "Maraming pagkaing pwedeng mabili sa loob." Sagot ni Eloisa. "Eloisa, pwede bang umihi muna ako bago tayo pumasok sa loob?" "Sige! Doon ang C.R! Turo ni Eloisa, hihintayin na lang kita dito, bilisan mo ha!" "Salamat!" Tapos pumunta ako sa loob ng C.R, pumasok ako sa isang cubicle doon, at kinuha ang candy at mane na dala ko. Binili ko pa naman ito tapos itatapon lang, Ibinalot ko sa panyo at inipit sa may cleavange ko. "Hindi naman siguro kakapain ito eh, sayang kaya. Bente pesos pa naman ang bili ko." "Tara!" Sabi ko pa. Habang chini-check ng guard ang gamit ko. Naamoy ng guard ang mane, "Bakit amoy mani talaga!" Sabi ng guard. "Kasi kinain ko na yung mani. Inubos ko. Paano bawal dito." Alibay ko. "Kaya pala amoy mani. Baka tagyawatin kayo niyan ma'am." "Hindi naman sa'kin. Tumatalab ang gano'n! Matagal na akong kumakain ng mani. Dahil may tanim kami sa probinsya." "Okay ma'am sabi niyo eh," "Bilisan mo Freyah!" Sigaw ni Eloisa. Napasimangot ako. Bakit kasi sinama-sama pa ako dito, hindi naman ko naman gustong sumama. Ang sakit na ng paa ko. Malakas na tugtog at maingay sa loob ng bar. Samahan mo pa ang sari-saring amoy ng alak, sigarilyo, at pabango ng mga tao sa loob, tinakpan ko ang ilong at bibig ko. Dahil pakiramdam ko babaliktad ang sikmura ko habang ang isang kamay ko ay hila-hila ni Eloisa. "Bilisan mo Freyah!" Narinig kong sigaw ni Eloisa sa maingay na lugar. Aish! Paano naman ako makakabilis maglakad. Siksikan ang buong paligid, halos nababangga na nga ako ng mga tao sa paligid. Pagkatapos nahihirapan pa akong maglakad dahil sa suot kong sandals. "Andito na tayo! Ani Eloisa ng sa wakas huminto kami sa isang maliit na table. Medyo malayo ito sa mga taong magugulo. Sumalampak ako sa upuan at agad kong tinanggal ang suot kong sandals. "Arayyy!!! Ang sakit ng paa koo! Hu-Hu!" Daing ko. Habang hinahawakan ko ang paa ko. "Freyah! Ano ba 'yang ginagawa mo? Umayos ka nga!" Saway ni Eloisa ngunit hindi ako natinag. Hindi ko ito pinansin bagkus itinaas ko pa ang paa ko habang hinihimas-himas ko ito. "Eloisa!"narinig kong tili ng isang babae. Naiangat ko ang mukha ko. Nakita ko si Eloisa na tuwang-tuwa sa dumating na babae. Katulad ito ni Eloisa pusturang-pustura ang suot. Mukha nga lang itong mayaman dahil sa kinis ng balat nito. "Rosiee!!!" Bati ni Eloisa, nagbeso-beso ang dalawa, habang ako nakatingin lang sa kanila. "May kasama ka pala?"tanong ni Rosie. Habang nakatingin sila sa'kin.. yumuko ako. "Si Freyah! Neighbor namin siya, sinama ko kasi never pa siyang nakakapunta sa ganitong lugar." paliwanag ni Eloisa. "Hi Freyah!" Nangimi akong ngumiti, habang ang kamay ko ang nagwave kay Rosie. "Hello!" Tipid kong sabi. "Ah! Rosie, Sigurado ka bang dito tayo mag-i-inom? Eh, diba? Mahal dito?" Tanong ni Eloisa. Ngumiti si Rosie, "It's okay Eloisa, it's my boyfriend treat." "May bago ka pa lang boyfriend?" Tumango si Rosie, "Oo. Makilala niyo siya mamaya." Pagkatapos umupo ang dalawa . Habang bising-bisi sa pag-uusap. Ilang beses na akong humikab ng humikab, habang nakapangalumbaba sa table. Habang pinakikinggan ang pinag-uusapan ng dalawa. nakakaantok ang mga pinagsasabi nila. Hindi ko naman naiintindihan, gusto kong umuwi nakakaboring. "Okay ka lang Freyah?" Nagising ang diwa ko nang muling tawagin ang pangalan ni Rosie, "Hah? OO okay lang naman ako!" Sabi ko. Ngumiti Rosie sa'kin. "Mamaya siguradong mag-eenjoy ka na?" "Huh? Bakit naman?" Tanong ko. "Kasama kasi ng boyfriend ko ang mga kaibigan niya, mga gwapo ang mga kaibigan ng boyfriend ko." "Aahh!! Okay," sagot ko. "Ano naman kung gwapo sila. Hindi naman magigising ang diwa ko sa kanila. Aish! Nakakaboring na!" "Hello baby!" Narinig kong sabi ng boses lalaki. Muli kong nilingon ang dalawa. At nakita ko ang gwapong lalaki na niyayakap si Rosie habang nagki-kiss. "Baby, Buti naman at nakarating kayo! Come! Have a sit." Sabi ni Rosie sa boyfriend at dalawang kasama ng nito, Agad namang umupo ang dalawa. Katapat ni Eloisa yung isang gwapong lalaki na kaibigan ng boyfriend ni Rosie, samantalang ako, kaharap ko ang isang weird na lalaki, nakashades sa gabing-gabi, nakajacket at nakatakip sa ulo niya ang hood ng jacket ng lalaki, tumaas ang kilay ko parang may na-aalala akog ganong manamit, hindi ko lang matandaan. "Baby, this is my friend Eloisa and Freyah!" Pagpapakilala ni Rosie sa kamin. "Eloisa, Freyah! This is my boyfriend Loue." Proud na proud na sabi ni Rosie, habang mahigpit ang pagyakap niya dito. "Hi!" 'Yun lang ang nasabi ko Nahihiya kasi akong magsalita ng kahit ano. Sa itsura nila. parang mga anak mayaman, lahat kasi sila puro makikinis ang balat, kumpara sa balat kong parang kaliskis ng isda, feeling ko wala silang mga kalyo sa paa. kumpara sa paa kong kasing kapal ng baretang sabon ang kalyo ko. nakaramdam tuloy ako ng hiya, kung kaya't yumuko ako. "Hi! Guys! Sabi ni Loue sa'min "Baby Rosie, this is my friend Fiddel and Dice." pagpapakilala din ni Loue sa mga kaibigan niya. "Hi beautiful lady!" Inilahad pa ni Fiddel ang kamay niya saming dalawa upang makipagkamay. Ngunit yung lalaking pangalan ay Dice, agad na umupo na hindi man lang kami pinansin. Katapat ni Eloisa sa table si Fiddel, katapat ko naman si Dice, masayang-masaya Si Eloisa at Fiddel sa pinag-uusapan nila. Samantalang si kami ni Dice Tahimik, walang nais na mag-umpisang magsalita sa'ming dalawa. "Hindi ba kayo mag-uusap dalawa Dice at Freyah?" Tanong ni Loue. Tinitigan lang ng masama ni Dice si Loue at saka nagpatuloy sa pagtungga ng alak. Napakunot ng noo ko. Para kasing nakita ko na ito. Hindi ko lang matandaan, ang weird kasi ng suot nito, nakasuot ng makapal na jacket at nakahood. Nakasuot sa ulo niya ang suot na hood, at naka-black shades na suot. "Mataas ba ang araw sa gabi? Baka pag dito sa manila. Umaaraw kapag gabi na! Tsk! Tsk! Kaya ayoko dito sa manila. Ang gulo ng panahon. Bulong ko. Habang pasimple kong tiningnan si Dice. "Freyah!" Tawag ni Eloisa. "Bakit?" Nakita ko ang pagsenyas ni Eloisa gamit ang nguso nito. "ANO BA 'YUN?"sabi ko. Hindi ko kasi siya maintindihan. Sumenyas ulit si Eloisa, pero hindi ko na maintindihan, "TWO WORDS and ONE LETTER!!"sabi ko kahit hindi ko naman talaga alam ang sinisenyas niya. Nakita ko ang inis sa mukha ni Eloisa, kung kaya't saglit siyang nagpaalam sa kaharap niya. "Wait lang Fiddel ha!" "Sure!" Lumapit si Eloisa sa'kin at pagkatapos may ibinulong sa'kin, "Freyah, ibaba mo nga yang paa mo! Kitang-kita ang panty mo. Nakadress ka hindi ka nakajogging pants! Haist!" Bigla akong nakaramdam ng hiya, agad kong ibinababa ang paa ko. Oo nga pala nakataas ang paa ko kanina pa. Dahil hinilot-hilot ko ito. Agad kong chineck ang paligid. Nakahinga ako ng malalim ng hindi naman nakatingin sila Fiddel at Loue, nang tumingin ako sa katapat ko. Nanlaki ang mata ko ng makita kong nakatingin sa'kin si Mr Hoody, kahit nakashade ito alam kong sa'kin siya nakatingin, tinakpan ko ang mukha ko gamit ang bag kong dala. "Hu-hu! Nakakahiya talaga!" "Eloisa!" Maluha-luha kong tawag. Inakbayan ako ni Eloisa at ngumiti, "Wag kang mahiya diyan, normal na 'yan. Wag kang magpahalatang apektado ka!" Pagkatapos umalis na ito. "Panong hindi ako maapektuhan, eh, nakita na ni Mr Hoody ang panty ko! Pati singit ko! Nakakahiya!" Pumihit ako patalikod sa mga kasama namin. Mamaya na ako haharap sa mga iyon, kapag nawala ang hiya ko. "Dapat kasi nag short ako!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD