Chapter 3 MATAGAL NANG MANLILIGAW

707 Words
    “Haiyyy!!!! Natapos din ang isang araw, grabe nakakapagod talag pag Wednesday, full loads”. --- napatingin ako bigla sa  aking table, a three pieces of red roses with a notes on it, “It’s for the most beautigul lady like you, happy Teachers Day” . Well I know na teacher’s day na bukas, pero kanino galling tong roses na ito, for sure hindi kay Jhosh, susunduin niya ako today so hindi siya magsusurprise pa ng ganito. Tianong ko si Ivy na katabi ko lang ang table kung napansin niya ba kung sino ang naglagay, pero hindi niya daw nakita kaya iniwan ko nlang ito sa table ko at ipinasok sa aking flower vase. Well nakakahiya naman if makita pa ni Jhosh yung flowers.                 Matagal ko ng manliligaw si Jhosh since before pa kaming makapag take ng licensed exam, sinusundo niya ako three times a week and everyday naman ay nagkakachat and text kami. But then, until now hindi pa rin malinaw kung ano nga ba ang status naming dalawa. Pero dahil matalik naman din kaming magkaibigan ay masaya na din akong nasa ganitong stage lamang ang relasyon namin. Dahil kung magpopropose man din siya sa akin ngayon ay for sure hindi ko pa lam ang isasagot ko. May kagwapuhan si Jhosh at may kaya din. His a professional doctor sa ospital na siya rin ang may-ari, kaya lang dahil sa sobrang busy niya ay madalas sa biyahe lamang kapag sinusundo niya ako kami nakakapag-usap. Kaya siguro napako na lang dinsa ganito yung relationship na mayroon kami. Yung parang kayo pero di naman, walang label kung baga. But I don’t care, I’m not ready pa rin naman sa isang serious relationship. Masyado pa akong busy para buhayin ang mommy at si Carl na nasa Second year college palang ng kaniyang engineering course. So I have to focus on my career and my responsibility first. Alam lahat ito ni Jhosh kaya siguro mas pinipili niya din ang manatili muna kami sa ganitong status where we can still be a very close friends without any serious commitment. Less accountability for both of us. Lalo pa at siya ang tipo na mataas masyado ang standard at mga nais maachieve, bagay na hinding hindi kami magsasalubong. Ako kasi, napaka simple lang ng buhay ang gusto ko.                  Inihinto ni Jhosh ang sasakyan sa harapan ng gate namin, “It’s a special day for you tomorrow Claire”, he whispered, sinagot ko lang siya ng ngiti, expected ko naman na sasabihin niya ito sa akin pero masyadong nakakapagod ang araw na ito at wala rin ako sa mood para makipag kwentuhan pa ng matagal sa kaniya.                 “I’ll pick you up tomorrow, let’s celebrate?” he said. “Okay”, then I smile at bumaba na ako sa kaniyang kotse. Kumaway habang ang kaniyang sasakyan ay paalis na.                 He’s really kind of a sweet man, lahat ng special occasion sa buhay ko nandoon siya, lahat sinicelebrate, but still I don’t know, may part sa akin na hindi ako masaya, hindi dahil sa ayaw ko pero dahil sa nasasakal na din ako minsan sa kaniya. He’s not even my boyfriend, pero I can’t even do things that I want dahil palagi siyang nandiyan. Kahit ang mga lakad naming magkakaibigan ay bihira kong masamahan dahil palaging may inihahanda si Jhosh na surprise for me, at dahil ayaw kong mapahiya siya at masayang ang efforts niya, mas pinipili ko ang sumama sa kaniya kahit pa madalas ay napipilitan na lamang ako.         Minsan nga sinasabi na din sa akin ni Ivy na tapatin na siya at maging honest ako sa totoong feelings ko para sa kaniya, pero hindi ganoon kadali. Si Jhosh na ang naging katuwang ko sa pagsupport sa family ko simula ng mawala ang daddy, and utang na loob ko sa kaniya ang paraming bagay sa buhay ko. So, how can I.          Siguro I just have to accept the fact na mapapako na ako sa utang na loob ko sa kaniya,  enough reason din para hayaan ko siyang mag stay sa buhay ko as long as he wanted too.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD