Chapter 18

1894 Words
Chapter 18 Two-timing? Kristine's POV "Are you keen to accept my offer, my labs?" Peste! Pinutakte na naman ng kabaliwan itong umaga ko. Alam kong gwapo siya at kung tutuusin, oo. Gugustuhin ko talagang makita ang pagmumukha niya first thing in the morning. Pero naman, kanina pa siya my labs ng my labs sa akin. I didn't take someone like him to call a person - or me in a jologs way. "I might or might not. Sa ngayon pwedeng tigilan mo muna ako? Pakiusap lang." Sabi ko, nagmamadaling maglakad. Kasi ayokong maging sentro na naman ng atensiyon ngayong araw. Pwede bang patahimikin muna nila ako? Kahit isang araw lang, isang araw lang naman yung hinihiling ko. Kasi gusto kong mapag-isip. Alam ko, at oo aminado akong malakas ang tama ko sa kanya. Pero sa pagkakataong ito mas gugustuhin ko munang mapag-isa. Gusto ko ito, pinangarap ko noon na habul-habulin niya rin ako balang araw kahit batid kong imposible iyon noon. Ngayong nandito na okay pa rin naman but for one day, for one day gusto ko ng katahimikan. "I won't stop until I heard you say yes. It's just one word, my labs. One word and I'm yours." Nakagat ko ang labi ko, huminto sa paglalakad para lang harapin siya. I needed to breathe in and out a couple of times para lang pakalmahin ang sarili ko ng dahil sa sinabi niya. Sino bang hindi kailangang kumalma, my heart was palpitating. One word then he'll be mine. Breathe in. Breathe out. I can do this. "Hart Agustine Cole." Mariin ngunit mahinahon kong sambit sa pangalan niya. "Yes, my labs?" Bwisit na my labs iyan. Isa pang buntong hininga yung pinakawalan ko saka ko hinawakan ang pulso niya at hinila paapunta sa likod ng school. Kung saan kami naroon nung araw na ipinagtanggol niya ako kina Chloe. He is not giving me any choice, gusto ko lang na magkalinawan kami. Siguro naman ay may karapatan akong magtanong o huminga ng kalinawan tungkol sa mga inaasta niya nitong mga nakaraang araw. "You've had enough of me?" nakangisi niya pang tanong matapos ko siyang ipwesto sa harap ko. His left arm went up para lang itukod iyon sa punong nasa gilid niya. No, I won't get enough of him kahit ano pa man ang gawin niya at alam kong alam niya iyon kaya malakas ang loob niya na gawin itong pangugulong ito sa akin. "Tell me, ano bang kailangan mo? Anong gusto mong mangyar--" "It's simple, I want you to be my girlfriend." I started biting the skin inside my mouth. "Why? W-why all of a sudden? You hated me a lot before so it's clear that the feeling is not mutual." I know I asked this question before. Dala na lang din siguro ito nag hindi ako nakuntento sa sagot niya and that I need more valid reason. "So you do admit that you like me?" Nangunot ang noo ko. Saka ko na lang na-realise yung sinabi ko. The feeling is not mutua--tanga! Ang tanga-tanga ko talaga! Nakakahiya. Walang preno rin itong bibig ko kapag nai-stress ako. Lagi na lang ganito. Ilang beses na ba kong napahiya sa harapan niya ng dahil lang sa hindi ko makontrol yung katangahan ng bibig ko. "A-ano naman kung may gusto ako sa'yo? Matagal m-mo naman ng alam iyon hindi ba? I mean common sense, w-who would've followed you all the time kahit ilang beses mong ipahiya kung walang gusto sa'yo hindi ba? Halos lahat n-naman ng mga ka-schoolmate natin a-alam iyon." Tama, I need to sound aggressive kahit na halatang nauutal ako. "Are you always this nervous whenever you talk to me?" sabi niya matapos niyang ipatong ang kamay niya sa magkabilang balikat ko, he's trying to find my gaze pero hindi ko maitingin iyon ng diretso sa kanya. "N-no gani--" "I like you." diretso akong napatingin sa kanya. Ano? He what? Malinaw iyon mula sa kanya hindi ba? He said he likes me? "A-ano?" "I said I like you, isn't that enough para ligawan ka o maging girlfriend ka? And just to stop you from overthinking?" Iniiwas ko ulit yung tingin ko sa kanya. Nangangatog ang tuhod ko at pakiramdam ko ay nanlalambot lang ako lalo ng dahil sa mga sinasabi niya but in a good way. Napaupo na lamang ako para saluin ang sarili kong bigat dahil sobra-sobra itong nararamdaman ko. "M-manligaw ka muna kung ganon." sabay upo rin niya. "Isn't that what I'm doing? Importante sa inyong mga babae ang panliligaw and I do respect you kaya kahit gusto na kitang maging girlfriend ora mismo, alam kong kailangan ko munang gawin iyon. Just to show you that I'm serious about you." tumayo siya saka niya iniabot yung kamay niya sa akin para tulungan din akong tumayo. "At kapag niligawan kita sisiguraduhin kong mapapa-oo kita." Finally, small glint of smile showed up on my lips. "Maraming pwedeng mangyari, maraming pwedeng magbago. Hindi natin alam baka magsawa ka rin kasi mahihirapan kang ligawan ako." "I won't stress so much about it. Isa pa, I don't want to pressure you into something that you're not sure of. Mainipin ako, but I can keep my patience longer for you." Hindi pa talaga pressure yung lagay na iyon? Isang ngiti naman ang binigay niya sa akin. "Tara?" ngumiti ako pabalik sa kanya saka ko tinanggap ang kamay niya. As usual panay na naman ang tinginan at bulungan ng mga ka-schoolmates namin. Alam kong sikat ako, sikat sa mga babaeng may gusto kay Hart. Mamaya nga alam kong may maga-aabang sa akin para kalbuhin ako. Ganon ako kasikat. "Are you scared?" lumingon ako sa kanya nakangiti siya at diretso lamang ang tingin sa nilalakaran namin habang hawak niya pa rin ang kamay ko. "Yes I am." he chuckled. "You'll need to get used to it." I know. I mean sanay naman na ko mas lalo lang sigurong malala ngayon kasi alam nilang okay na kami ni Hart, at ngayon nanliligaw pa. Hinatid niya pa ako hanggang sa upuan ko kahit na nakita niya pang naroon na yung teacher namin. Tinginan pa rin sa amin yung mga kaklase ko ganon na rin si Chloe na kulang na lang ay umusok yung bunbunan sa sobrang pula ng mukha niya. Yes, I am dead. "Sorry Ma'am inihatid ko lang si Kristine." "Yes, Mr. Cole, I can see that. Thank you. Now go back to your room." napakamot naman siya sa batok at saka lumingon sa akin. "I'll see you later, my labs." nanlaki yung mata ko. Tinukso naman kami ng mhga kaklase naming lalaki at sumipol pa ang iba. Umiling ako, yes, I'm officially dead. To Chloe, to her Alipores, ganon na rin yung mga kaklase naming babae. Mas lalo lang akong nayanig nang magtama yung mata namin ni Sophie na naniningkit sa gilid ko. Umupo ako saka na lang umalis si Hart. Matapos noon ay mas dumikit sa upuan ko si Sophie. Yes, the Detective Sophie. "Ano yon?" "Wala." tipid kong sagot. Kahit na alam kong hindi sapat para sa kanya. "Oh honey, I'm a woman too. Kapag ang babae sumagot ng nothing or wala alam kong meron yan. So, hindi iyan uubra sa akin. So ano yon?" "Wala nga sabi." nilabas ko yung notebook ko nang matapos pagbawalan ni Ma'am ang mga klase kong pinagdadaldalan kami. Hinayaan ko pa siyang magtanong nang magtanong kahit na pinalalabas ko na lang iyon sa kabilang tainga ko. Nagsisimula nang mag-lecture si Ma'am at ayokong mapahamak na naman kami. "Ang ganda mo. Nakikinig ka ba?" umirap ako. "Yes I am." bulong ko. "No, kanina pa ako maraming tanong dito hindi ka naman sumasagot. So, no, you are not listening!" alam naman pala niya. "I am." "Are you sure? All ears ka sa'kin?" "Oo nga sab--" "I wanna make you smile whenever you're sad Carry you around when your arthritis is bad All I wanna do is grow old with you" "Iyan ba? Naririnig mo?" rinig kong tanong ni Sophie sa akin. I can't feel anything but special nang makita ko si Gerald. Playing his guitar at sa akin lang nakatuon ang pansin. "I'll get your medicine when your tummy aches Build you a fire if the furnace breaks Oh it could be so nice, growing old with you" "What's he doing?" Tanong ko pa sa kanya. "I don't know. I mean I don't think he's serenading me. I knew that he got it in him, konting push lang." "I'll miss you Kiss you Give you my coat when you are cold" Gusto kong isipin na ibang babae ang kinakantahan niya but when he started walking towards me. My classmates started to yell dahil sa sobrang kilig but me I was just dumbfounded. Hindi ko alam kung anong reaction ang gagawin ko. Because if this really is for me. Alam kong guguluhin nito ang utak ko. "Need you Feed you Even let ya hold the remote control So let me do the dishes in our kitchen sink Put you to bed if you've had too much to drink I could be the man who grows old with you I wanna grow old with you" He finished off the song at nagpalakpakan ang mga kaklase ko. Ganon na rin ang teacher namin na ngiting-ngiti lang. Pero sumeryoso naman bigla ang mukha niya, maybe she realised na nasa kalagitnaan pa rin siya ng klase. "Excuse me Mr. Mendez. That was a nice performance. Pero nasa kalagitnaan kami ng klase. You're not supposed or allowed to do that. You're cutting off the class." Sabi pa niya kay Gerald. Hindi naman nawawala ang tingin ko sa kanya nang ngumisi siya sa akin bago humarap sa teacher namin. "I'm sorry Ma'am I'm just looking for this girl in your class named Kristine Emerdia." "I guess you already found her. Ano pang kailangan mo?" nilingon niya akong ulit. 'I just want to know if she liked it." my heart's beating so fast, bakit ganito? "Nagustuhan mo raw ba, Miss Emerdia?" lumipat ang tingin ko sa teacher namin na konti na lang ay sisilay ng ulit ang ngiti. "Ah." ngumiti ako saka tumango. I don't want to embarrass him in front of the class. To be honest, hindi ako sigurado kung anong dapat kong maramdaman. Matuwa ba? Kasi first time na may humarana sa akin. Mainis? Kasi si Gerald Mendez ito. matakot? Kasi hindi ko alam kung bakit sobrang lakas ng t***k ng puso ko ngayon habang nakatitig ako sa kanya. Sa mga ngiti niya. "Do you have any other questions Mr. Mendez?" "Yes." lumapit nama siya sa akin pinahawak yung gitara niya sa kaklase kong malapit sa kanya saka siya umupo para tapatan ang mga mata ko. "Pwede ba kong manligaw sa'yo, Nerdy?" nanlaki ang mga mata ko. M-manligaw?! Hindi ako agad nakasagot kaya nagumpisa na namang maghiyawan ang mga kaklase ko. Ang iba sa kanila ay sumisigaw na pumayag na ko. For me, I'm so speechless. Nilingon ko pa si Sophie na ngayon ay nakatakip sa bibig at kilig na kilig. I know her kapag kinikilig siya at hindi niya maitatanggi iyon kung kastiguhin ko man siya pagkatapos nito. "What's your answer, Nerdy?" ngiting-ngiti pa rin siya. His eyes are glistening na para bang alam niyang hindi ako makatatanggi. Bumuntong hininga ako saka ako tumango. "Yes." Bahala na, if this is two-timing, may God forgive me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD