CHAPTER 14

2129 Words
THIRD PERSON POV Nagulat si Nelson nang marinig na nagsalita ang among si Marco habang ipinagmamaneho niya ito patungo sa malaking bahay nito at ng asawa nitong si Janine na kaibigan ng kanyang misis na si Princess. Marco: Napakaswerte mo sa akin, Nelson. Saan ka nakakita ng among malaki ang pinapasweldo sa kanyang driver kahit na hindi nito araw-araw ipinagmamaneho ang amo? Ngumiti si Nelson kay Marco sa rear-view mirror. Ngiti ng pasasalamat. Ngunit hindi iyon umabot sa mga mata ni Nelson. Totoo namang hindi araw-araw ipinagmamaneho ni Nelson si Marco at ipinagda-drive niya lamang ito sa tuwing tatawagan siya nito na bihira namang mangyari. Nelson: Tama po kayo, Sir Marco. Maswerte talaga ako at nabigyan niyo ako ng hanapbuhay kaya nakakatulong ako sa aking asawa pagdating sa mga gastusin sa bahay. Marahang tumawa si Marco. Marco: Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na huwag mo na akong tawaging Sir Marco? Marco na lang. Alam mo namang magkaibigan ang mga misis natin. Nakita ni Nelson sa rear-view mirror na tumingin muna sa labas ng bintana ng sasakyan si Marco bago muling nagsalita. Marco: At isa pa ay inaanak namin ni Janine ang anak ninyo ni Princess na si Kiara. Kaya magkumpare na rin tayo. Muling tumawa si Marco na may kasama pang pag-iling. Nelson: Nagtataka nga ako kung bakit kinuha mo akong driver, eh, mukhang hindi mo naman kailangan. Ang lakas-lakas mo pa nga. Sa rear-view mirror ay sinubukang tingnan ni Nelson si Marco sa mga mata nito ngunit nanatiling nakatutok ang mga mata ni Marco sa labas ng bintana ng sasakyan. Marco: Well, nakiusap ang misis mong si Princess sa aking asawa na hanapan kita ng trabaho. Wala namang bakanteng position sa Bolivar Rice Mills kaya nag-isip na lang ako ng pwedeng ipagawa sa iyo. Marahang tumawa si Nelson habang nakatutok ang kanyang mga mata sa daan. Nelson: At itong pagiging driver mo ang naisip mo. Nagkibit-balikat si Marco at tumingin kay Nelson sa rear-view mirror. Marco: At maganda naman dahil malaking tulong sa inyo ni Princess. Tumango-tango si Nelson at sandaling sinalubong ang mga titig ni Marco sa kanya sa rear-view mirror bago muling itinuon ang buong atensyon sa pagmamaneho. Matapos maihatid si Marco sa malaking bahay nito ay umalis na rin si Nelson para sunduin sa school ang kanyang anak na si Kiara. Nagsabi kaninang umaga ang misis ni Nelson na si Princess na hindi nito masusundo ang kanilang anak sa school ngayon dahil mag-o-overtime ito sa trabaho. ---------- Nakaupo sa dining room chairs sa loob ng dining room ng mag-asawang Gabbie at Nate ang magkakaibigang Danica, Gabbie, Janine, Katie, at Nicolai. Hindi pa nakakauwi ng bahay ang asawa ni Gabbie na si Nate dahil nagpunta pa ito sa mall kasama ang kanilang anak na si Emmanuel dahil may nire-request na bagong laruan ang kanilang anak na hindi naman matanggihan ni Nate. Nanlalaki ang mga mata nina Gabbie, Katie, at Nicolai habang tinitingnan ang larawang ipinasa ni Danica sa group chat nilang magkakaibigan. Katie: OMG. Kamukha nga ni Sharmaine itong babae sa photo. Namamangha pa rin ang mukha ni Katie habang tinititigang mabuti ang larawan. Tiningnan ni Gabbie si Danica para magtanong. Gabbie: Sa-saan nga raw ulit nakita ni Margaret itong babaeng kamukha ni Sharmaine, Danica? Lumunok muna ng laway si Danica bago sumagot. Danica: Sa-sa isang coffee shop sa isang ba-bayan dito sa ating probinsya. Sandaling nag-isip si Gabbie bago muling tinitigan ang larawan. Gabbie: Posible namang may kamukha si Sharmaine dito sa lugar natin, 'di ba? Tumango-tango si Nicolai na ngayon ay mukhang nakabawi na sa pagkagulat dahil sa nakitang larawan ng babaeng kamukha ng dating nilang kaibigan na si Sharmaine. Nicolai: Possible naman talagang may kamukha tayo rito sa mundo. Minsan pa nga hindi lang isa kundi higit pa sa lima. Uminom muna si Nicolai ng iced tea na inihanda ni Gabbie para sa kanila nang muling magsalita. Nicolai: Pero grabeng coincidence naman ito. Dito rin talaga sa probinsya natin matatagpuan ang kamukha ni Sharmaine kung saan din siya rating nakatira. Small world, isn't it? Sinundan pa ng marahang tawa ni Nicolai ang sinabi. Nilingon ni Katie si Nicolai. Katie: Bakit parang hindi ka affected, Nico? Nagkibit-balikat lang si Nicolai. Nicolai: Simple lang. Nandoon tayo noong gabi kung kailan--- Natigil ang pagsasalita ni Nicolai nang biglang magsalita si Danica. Danica: Stop, Nico. Huwag na nating balikan ang nakaraan. Muling nagkibit-balikat si Nicolai at kumagat sa isang slice ng pizza na nasa platito sa harapan nito. Tiningnan ni Katie si Janine. Katie: O, Janine. Bakit parang tahimik ka? Speechless much? Pinipilit ni Katie na pasiglahin ang mood sa loob ng dining room na iyon dahil pakiramdam nito ay mabigat na ang vibe sa kwartong iyon nang mga sandaling iyon. Tipid na ngumiti si Janine kay Katie. Janine: Hindi naman. Iniisip ko lang kung posible bang mabuhay ang taong matagal nang wala. Tulad ni Sharmaine. Confident naman akong hindi na siya humihinga nang iwan natin siya sa may ilog dati. Nagulat sina Gabbie, Janine, Katie, at Nicolai nang biglang sumigaw si Danica. Danica: Enough! I said enough! Walang nagsalita matapos sumigaw ni Danica. Hindi makapaniwala ang mga kaibigan ni Danica sa kanyang sudden outburst. Hindi siya ganoon maliban na lamang kung talagang apektado siya sa nangyayari. At sa ngayon ay apektado talaga si Danica sa paglitaw ng isang babaeng kamukha ng kaibigan nilang si Sharmaine na matagal nang wala. ---------- Malanding ngumiti si Princess nang marinig na bumukas ang pintuan ng master's bedroom. Nakaharap siya ngayon sa malaking bintana ng kwartong iyon. Nakita ni Princess mula sa bintana ang pag-alis ng kanyang asawang si Nelson matapos nitong maihatid ang among si Marco. Nagsinungaling si Princess kay Nelson na mag-o-overtime siya sa trabaho ngayon pero ang totoo ay makikipagkita lamang siya sa kanyang kalaguyo na asawa ng kanyang kaibigan. Magkikita-kita rapat si Princess at ang kanyang mga kaibigan ngayon sa bahay ng kaibigan nilang si Gabbie para pag-usapan ang tungkol sa babaeng kamukha ng dati nilang kaibigan na si Sharmaine na nakita ng kaibigan nilang si Margaret sa loob ng isang coffee shop noong isang araw. Ngunit naisip ni Princess na magandang pagkakataon iyon para makipagkita sa kanyang kalaguyo rahil talagang nami-miss na niya ito. Si Marco Dela Acuesta, ang asawa ng kanyang kaibigan na si Janine Bolivar-Dela Acuesta. Si Marco ang lalaking matagal nang pinoprotektahan ni Princess. Si Marco ang isa sa dalawang taong nakita niyang inilalagay ang walang malay na katawan ni Sharmaine sa loob ng isang van. Hinubad ni Marco ang suot nitong bonnet nang gabing iyon kaya nakita ni Princess ang mukha nito at nakita rin siya ni Marco nang gabing iyon. Ilang araw matapos ang gabing iyon ay kinausap si Princess ni Marco at nakiusap sa kanyang panatilihing lihim ang bagay na iyon. Pumayag si Princess kapalit ng isang kondisyon. Ang kondisyong iyon ay maglaan din ng oras si Marco para kay Princess dahil may lihim na pagtingin si Princess kay Marco. Alam ni Princess na kasintahan ng kanyang kaibigang si Janine ang iniibig na si Marco kaya wala siyang balak na sirain ang relasyon ng dalawa lalo na at alam ni Princess na wala siyang laban sa mayaman niyang kaibigan. Sapat na kay Princess ang makiamot ng kaunting oras mula kay Marco. Hinarap ni Princess ang lalaking nagbukas ng pintuan. Si Marco. Nanlaki ang mga mata ni Marco nang makitang hubo't hubad na si Princess sa loob ng kwarto nito at ng asawa nitong si Janine. May hawak itong kopita na naglalaman ng inuming nakalalasing. Marco: Woah. Tinotoo mo talaga ang sinabi kong huwag ka nang magsusuot ng thong kapag nagkita tayong muli. Malanding ngumisi si Princess kay Marco. Princess: Pasensya ka na kung nahuli ka ni Janine noong isang beses na mag-usap tayo sa phone. Na-miss lang talaga kita. Masuyong ngumiti si Marco kay Princess. Marco: Don't worry about that. Hindi naman kita ilalaglag. Ikaw pa ba? Eh, you're my secret keeper. Ngumiti si Princess kay Marco at maya-maya ay may naisip na kapilyahan. Sinadya ni Princess na ibuhos ang lamang likido ng kanyang hawak na kopita sa kanyang dalawang malaking hinaharap. Namangha si Marco sa ginawang iyon ni Princess. Napakagat-labi si Marco habang pinagmamasdan ang pagdaloy ng nakalalasing na likido sa katawan ni Princess, mula sa kanyang dalawang pakwan patungo sa kanyang flat na tiyan hanggang umabot sa maselang bahagi sa pagitan ng dalawang hita ni Princess. Ilang sandaling naipon sa tikom na hiyas ni Princess ang ilang likido ng inuming iyon bago tumulo sa carpeted floor ng kwartong iyon. Halos manuyo ang lalamunan ni Marco habang pinagmamasdan ang hubad na katawan ni Princess. Si Princess ay mapanuksong ngumisi kay Marco habang unti-unti inihihiga ang sarili sa ibabaw ng kama ni Marco at ng asawa nito na isa sa mga kaibigan ni Princess. Halos magdeliryo sa libog si Marco habang isa-isang hinuhubad ang mga kasuotan nito. Hindi inaalis ang pagkakatitig kay Princess habang hinuhubad ang mga saplot sa katawan. Si Princess ay unti-unting umaatras hanggang sa tuluyang maihiga ang buong katawan sa ibabaw ng malambot na kama. Ibinuka ni Princess ang dalawang hita at sinapo ang dalawang malaking hinaharap. Halos mawala sa katinuan si Marco sa nakikita nitong alindog ni Princess. Agad na dinaluhong ng bibig ni Marco ang kanina pang namamasang hiyas ni Princess at nilantakan iyon. Nalalasahan ni Marco ang likidong nakalalasing na humahalo sa malapot na katas ni Princess. Napaungol ng malakas si Princess nang sipsipin ni Marco ang maliit na lamang nasa itaas ng kanyang hiyas at paglaruan iyon gamit ang dila nito. Kumapit si Princess sa buhok ni Marco at mas isinubsob pa sa kanyang hiyas ang mukha nito. Nang ipasok ni Marco sa loob ng hiyas ni Princess ang dila nito ay inipit ni Princess ang ulo ni Marco gamit ang kanyang mga hita. Inginudngod ni Princess ang mukha ni Marco sa kanyang hiyas at nang higupin ni Marco ang mga paunang katas mula sa loob ng hiyas ni Princess ay halos mawala siya sa kanyang huwisyo. Malakas na umungol si Princess nang umagos ang napakarami niyang katas sa loob ng bibig ni Marco na lahat naman ay nilunok nito. Maya-maya ay tumayo si Marco at patiwarik na binuhat nito si Princess sa gitna ng master's bedroom. Muling nilantakan ng bibig ni Marco ang hiyas ni Princess habang isinusubo naman ni Princess ang matabang alaga ni Marco. Halos bumaon sa lalamunan ni Princess ang mahabang alaga ni Marco habang iginala-gala ni Marco ang dila nito sa loob ng hiyas ni Princess. Ilang sandali pa ay muling nakaraos si Princess sa loob ng bibig ni Marco. Nilunok lahat ni Marco ang inilabas na katas ni Princess. Matapos pahupain ang tensyon sa sistema ni Princess ay pinadapa siya ni Marco sa ibabaw ng kama at dahan-dahang ipinasok ni Marco ang malaking alaga nito sa loob ng hiyas ni Princess habang nakatayo ito sa dulo ng kama. Ibinaon ni Princess ang kanyang mukha sa kama habang nakaangat ang kanyang pang-upo para mas padaliin ang paglalabas-masok ng malaking alaga ni Marco sa loob ng kanyang hiyas. Sunud-sunod na pagbayo sa hiyas ni Princess ang ginawa ng alaga ni Marco kaya walang humpay din ang pag-ungol ni Princess sa loob ng kwartong iyon ni Marco at ng misis nitong si Janine. Ilang minuto pa ay magkasabay na umungol sina Princess at Marco habang pinapaliguan ng mainit na katas ni Princess ang matabang alaga ni Marco na sumusuka ng napakaraming malapot na likido sa loob ng yungib ni Princess. Pumaskil sa magandang mukha ni Princess ang isang ngiti ng katiwasayan. Muli na namang lumigaya si Princess sa piling ng lalaking iniibig. --------- Hindi nakasama si Margaret sa usapan nilang magkakaibigan na magkita-kita sa bahay ng kaibigan nilang si Gabbie para pag-usapan ang tungkol sa nakita niyang babaeng kamukha ng kaibigan nilang si Sharmaine noong isang araw. Kasama ngayon ni Margaret ang stepbrother na si James at sinabi nitong may pupuntahan daw sila. Natuwa naman si Margaret kanina rahil mula nang mawala ang kaibigan niyang si Sharmaine ay ito ang unang beses na niyaya siyang lumabas ng kanyang stepbrother na lihim niyang iniibig. Pero parang gustong manlambot ni Margaret nang dalhin siya ni James sa isang sementeryo at pilitin siya nitong humingi ng tawad sa isa sa mga puntod doon. Ang puntod ng namayapang ina ni Margaret. James: There, Margaret. Ask forgiveness from your deceased mother. Ask her to forgive you for killing your friend. For killing the one I love. For killing Sharmaine. Nangingilid ang mga luha sa mga mata ni Margaret habang madiing binibigkas ni James ang mga salitang iyon sa kanyang kanang tainga. Nahihimigan ni Margaret ang galit sa tinig ng boses ni James at nasasaktan siya rahil doon. James: Mamamatay-tao. Tuluyan nang tumulo ang mga luha sa magkabilang pisngi ni Margaret nang marinig ang sinabing iyon ni James sa kanya. ---------- to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD