Chapter 2

1108 Words
Muling nilabas ni Rhian ang pera sa supot.Sobra sobra iyon para sa isang karton ng s*x toys na deneliver niya kanina.Hinaplos niya iyon.Sa perang iyon,puwede na silang mabuhay ng komportable.Puwede siyang bumili ng bahay sa mas maayos na komunidad,motor na sniper at isang tricycle ,at may sobra pa para sa puhunan niya sa d***o business niya.May sukli pa para sari sari store at maliit na karenderia. Likas siyang businesswoman at raketera,kaya ang dami niya ng iniisip na gawin sa pera.Pero bakit parang may mali. May mali talaga. Hindi na naalis yong kaba niya mula kanina.Iniisip niyang masyadong mabilis yong biyaya ni Lord.Masyadong malaki.Masyadong easy money. "Rhian kakain na!" Napatalon siya at agad na nilagay sa orocan ang supot.Ayaw niya munang ipaalam sa ina niya ang nasabing blessing.Papalipasin niya muna ang magdamag para masigurong totoo talaga ang nangyayari at hindi lang panaginip ang lahat.Niligpit niya ang nagkalat na d***o sa sahig at lumabas na para kumain. Nandoon na si Laiza at ang ina niyang si Riza.Nakatitig ang dalawa sa kanya. Napuno siya ng kaba. "A-Anong meron?" Tinaasan siya ng kilay ng ginang. "Salamat sa pagbayad sa kuryente.." "At sa tuition ko ate" Sabi naman ni Laiza. Napahawak siya sa dibdib at nakahinga siya ng maluwag.Shet..Bakit ba ako kinakabahan ? Umupo na siya at sumandok ng kanin at ginisang sardinas na luto ng nanay niya.Hindi parin siya patigilin ng isipin. "Okay ka lang ate?" "Ah?" "Natutulala ka eh.." Binitawan niya yong kubyertos at huminga ng malalim. May mali talaga eh.Gusto niyang isipin na iniluwa ng kidlat yong pera pero imposible iyon. "Pagod ka na Rhian.Magpahinga ka na at kami na ang bahala sa gawaing bahay" "Salamat" Wala sa sarili siyang tumayo at naglakad papunta sa kanyang silid.Siguro nga pagod lang siya.Burn out ba ganon.Kailangan niya lang ng beauty rest. Hinawi niya ang kurtina na siyang nagsisilbing takip sa kanyang masikip sa kuwarto at binuksan ang ilaw,para lang mapasigaw ng makakita ng tatlong lalaki doon.Naka itim silang lahat na parang Men in Black at nandito sila para sunduin siya. Sunduin?! Agad na tinakpan ng isa iyong bibig niya bago pa siya makagawa ng ingay. "Sumama ka sa amin ng maayos kung ayaw mong magkagulo dito" Nilukob siya ng takot.Anong nangyayari?! "Mppphh..phhmmmmp.hmmp" Sinubukan niyang magpumiglas at magwala pero nagbabala ang lalaking may hawak sa kanya na kapag gumawa siya ng ingay papatayin niya ang lahat ng nasa loob ng bahay. Agad siyang tumigil at tumahimik. Isang lalaki ang nasa likod nila na tahimik lang na nakatingin sa kanya.Wala itong reaksyon at hindi niya gaanong makita ang mukha nito sa suot nitong mask.Pero isang bagay ang napansin niya.May asul na asul itong mata na handang lamunin siya ano mang oras.Nakaka tunaw ang paraan ng pagtitig nito sa kanya. Para silang nagsisiksikang sardinas sa maliit niyang kuwarto .Ang lalaki ng katawan ng mga brusko ,namamawis at mabango. Mabango?! Anong laban niya sa nga ito? Nakabukas ang kahoy niyang bintana at malakas na pumapasok ang hangin doon.Hinila siya ng lalaking may hawak sa kanya at mukhang dadalhin na siya kung saan. Humawak siya sa poste ng pinto pero sadayang malakas ang mga lalaki. Nabitawan ng isang lalaki yong bibig niya kaya agad siyang nagsalita pero mahina lang. "T-teka saan niyo ako dadalhin?Baka hanapin ako ng nanay ko." Muling tinakpan ng lalaki yong bibig niya pero malakas niya itong sinampal para muling makapagsalita.Bastos eh. "Sasama ako ng maayos pero huwag niyong sasaktan yong pamilya ko" Tuluyang umiyak si Rhian.Sabi niya na nga ba may mali eh. "Ayaw ko lang na mag aalala yong nanay ko kasi baka mahigblood iyon at maparalize." Nagtinginan 'yong tatlo. Dumampot ung lalaking asul ang mata ng isang papel at isang ballpen sa maliit niyang lamesa.Napaka graceful ng galaw nito.Mahinhin at pulido.Akala mo siya ang may ari ng kuwarto.Yong dalawa naman namamanghang sinisipat ang mga d***o sa kama. Pinaluhod siya nito at ibinigay ang ballpen. "A-anong gagawin ko?" "Gumawa ka ng suicide note para malaman nilang mamamatay ka na" Walang kasing lamig ang boses nito.Nanginig ang buong katawan niya sa takot.Mas lalo siyang naiyak. "B-baka sumunod sa akin nanay ko pag sinabi ko iyon" Pinag isipan niyang mabuti kong anong isusulat niya sa papel sa kabila ng takot.Naghahalo halo ang mga ideya doon.Gusto niyang isulat lahat ng may utang sa kanya para masingil ng nanay niya bago siya yumao.Pero masyadong namamanhid yong kamay niya para magsulat.Siguradong mag aalala ang kaniyang pamilya. Dumampot yong lalaki ng isang d***o sa kama at parang mas sumeryoso yong mukha nito.Kung titignan parang may sama ng loob ito sa mga titi.Mula sa d***o lumipat ang tingin nito sa kanya.Tumutok muli ang asul nitong mata sa mukha niya.Pakiramdam ni Rhian kakapusin siya ng hininga. Bumaba ang mga mata nito sa papel na wala paring laman. "Sabihin mo umalis ka at nagtanan tayo" "N-nagtanan?" "Bilis!" Napasulat ng wala sa oras si Rhian sa sobrang taranta.Nanginginig ang mga kamay niya habang nagsusulat at malakas na tumitibok yong dibdib niya.Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng mga lalaki at baka nga hindi na siya makabalik. -Nay,kayo na po munang bahala kay Laiza.Huwag niyo po siyang pababayaan,ipagpatuloy niyo po ang business ko para makakain at makatapos siya.Aalis na po ako ,makikipagtanan po ako kay..- Tumingala siya sa lalaki. "Anong pangalan mo?" Nagtatakang tumingin ito sa kanya at sa sinusulat niya. "John Gregory..Monasterio " Muling naiyak si Rhian at bumalik sa pagsusulat,nilagay niya doon yong pangalan ng lalaki. -Paalam nay.Huwag sobrahan ang paggamit ng kojic at toner.Huwag pi kayong mag aalala.Pag nagkita tayo ulit,may apo na kayo.- Madamdamin niyang hinalikan yong ang papel at tsaka tumayo. Muli niyang hinarap ang mga walang halang na kaluluwa sa harap niya . "Ready na ako,let's go" Narinig niyang tumawa yong isang lalaki at tsaka siya muling hinawakan. Lumabas sila mula sa bukas niyang bintana ng walang gulo at tahimik gaya ng ipinangako ng mga lalaki at sumakay sa isang...Ferrari? "Wow ang ganda naman ng kotse" Muling nagtinginan yong mga lalaki at tsaka umiling.Pinasok siya ng isa sa back seat at tumabi sa kanya ang pinaka seryoso sa lahat.Ang lalaking may asul na mata. Wala itong imik.Nakakapanindig balahibo ang presensya at mukhang wala itong balak buhayin siya. "Wala talaga" Napatingin siya sa mukha nitong natatakpan ng mask .Nanlaki ang mata niya't paanong nalaman nito ang iniisip niya.Pero ..bakit naman siya kukunin ng mga lalaking ito?Wala naman siyang ginawa.Wala siyang naalalang ginawan ng kasalanan. "Meron kang kasalanan at malaki iyon." Muli siyang tumingala dito ng muli itong magsalita.Hindi kaya nakakabasa talaga ito ng isip.Paanong... "At papatayin kita ngayong gabi.Magdasal ka na habang may oras ka pa" Muling nangatog si Rhian. "Papatayin?Sa sarap o sa hirap?" Ngumisi lang ang lalaki . ---// Comment naman jan kahit isa lang!ahahaha
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD