PROLOGUE

201 Words
“Hindi ko alam kung paano nangyari basta natagpuan ko nalang isang araw na mahal na kita, na kulang ang araw ko na wala ka. Ayokong aminin sa sarili ko na mahal na kita. Hindi madaling gawin yun dahil pinangako ko sa sarili ko na hindi na ako magmamahal after my break-up with Ella pero nandito ako, muling nagmamahal na naman.” Turan nito sa kanya na ikinagulat niya. Nabigla siya sa pag-amin nito. Wala siyang maapuhap na isasagot. Tanging malakas na t***k ng puso niya lang ang naririnig niya. Nag-unahan sa pagbagsak ang mga luha niya. “Ang hirap mong mahalin Dave, nahirapan akong paibigin ka. Handa na sana akong sumuko pero nandito ka na naman, nagtatapat ka’na. You think kaya ko pa kayang pigilan ang puso ko kung sa matagal na panahon inasam kong magkaroon ng katuparan ang gusto ko?” sagot niyang naluluha. Nilapitan siya nito at hinawakan sa magkabilang balikat. “Mahal mo pa ba ako, Berna?” Umiiyak na tumango siya. “Mahal kita Dave, iyon ang matagal na sinasabi ng puso ko.” Tugon niya. Dahil sa sinabi niya ay agad siya nitong niyakap nan mahigpit. Napaiyak nalang siya sa labis na saya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD