Chapter 11
Nakakamatay na naman ang tingin ni Ana sa akin. Napangisi ako sa kanya at sumubo ng binating itlog. Infairness to her, habang tumatagal sumasarap ang lasa ng scrambled eggs. Sa tingin ko darating ang panahon na magiging expert siya sa pagbati ng itlog. Pero di nga, pwede na siyang magpatayo ng restaurant na ang especialty are scrambled eggs. Then she would name her restaurant, Ang Itlog ni paeng na Binati ni Ana. I laughed silently. Pucha ang laswa pakinggan.Back to Ana, tiningnan ko ulit siya ng nakakaloko.
"Kahit anong kapit mo Ana, mahuhulog at mahuhulog ka talaga sa akin!" Yan palagi ang tukso ko sa kanya and so far, everytime na tinutukso ko siya, nagwawalkout siya. Pikon talaga. Ako nga hindi napipikon kapag iniinsulto niya ang buong pagkatao ko samantalang siya, kunting tukso lang, gusto na akong patayin kaagad.
"Utang na loob Paeng!" Gigil na gigil na sabi niya at naaliw ako. Hindi ko alam kung bakit tuwang tuwa ako kapag nagagalit siya. I’ve noticed that Ana is passionate in everything that she do. Sa paglalaba, paglilinis, pang iinsulto sa akin at pati kapag galit siya, passionate pa rin siya. Parang sa isang emosyon niya, binibigay niya ang lahat lahat. Kapag galit siya, hindi lang siya galit, kundi galit na galit. Kapag natutuwa siya, hindi lang siya natuwa kundi tuwang tuwa. Kapag naglilinis siya, hindi lang basta malinis kundi malinis na malinis na matatakot ang alikabok na dumapo. Ganun siya ka passionate. It makes me wonder how passionate she is in bed. But everytime that thought occurs, I made an effort to erase it dahil alam ko naman na ako lang ang mahihirapan sa huli.
"Itaga mo man yan sa puno ng mangga na pinupugaran ng mga antik!" Hindi ata kumpleto ang araw ko nang hindi ko siya naaasar kaya hindi hindi din natatapos ang araw na wala siyang death threat sa akin. Mabuti na lang at hanggang threat lang siya.
Lalo akong tumawa nang umismid siya. She is so adorable, I wanted to hug her.
What? Hug her? Now, would I be contented with just a hug? I guess not.
Tumayo siya nung may mag doorbell at napakunot ang noo ko. Sino ang bibisita sa akin? Sa buong panahong dito ako nakatira, wala akong nagiging bisita maliban na lang sa ibang babae na nadala ko na dito. That was the time na wala pa si Ana sa bahay. Baka kasi pag nagdala ako ulit ng babae dito hindi lang baha ang makikita ko. Baka sa sobrang inis niya, sunugin na lang niya bigla ang buong bahay para ma disinfect. Napaka unpredictable pa naman ng isip niya.
Sinundan ko ng tingin si Ana para matingnan ko din kung sino ang mga bisita namin. I groaned when she opened the door.
"Hey! Paeng Boy! What's Up?” Michael said. Andito pala sa Pinas ang lalaking to? Kelan pa kaya siya dumating?
"What the f**k!" Paano nila nalaman na andito ako? Tumayo ako kasi mukhang ihaharass nila si Ana. They’re towering over her and scrutinizing every inch of her. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nainis.
"Langya ka! Dito ka lang pala nagtatago! Pinahirapan mo pa kami!" Gabriel said. Gusto ko silang pagtawanan kasi ang lapit lang ng bahay na to sa ancestral house. In a way, naisahan ko sila.
"What the f**k are you doing here?"Naiinis na tanong ko sa tatlo. Having them here means trouble.
Pero hindi nila ako pinansin. Napatingin ulit sila kay Ana. I have this urge to pull her towards me at itago sa tatlo kong pinsan. Hindi ko alam kung bakit ganun gayung alam ko naman na kayang kaya niyang tarayan ang tatlong pinsan ko.
"Woah! Woah! Woah! who's that girl?" Jhudiel suddenly blurted out. Gago to ah! Di ba may fiancee na to?
"Who's that pretty little thing?" Ugh!
"I'm Michael. may I know your name?" Isa pang gagong Michael na to! Pag sisipain ko na lang kaya sila isa isa? It would immensely satisfy me if I do that.
"Back off dude!" Stop hovering over her!
"Magsilayas na kayong tatlo."
"Calm down dude. Gusto lang namin magpakilala sa magandang dilag!"
"Shut up Gabriel. Bakit ba kasi andito kayo?”
"Because I ask them to, prodigal grandson!" Biglang tumingin ako sa nagsalita at nagulat ako nung makita ko si Grandpa. Magkasama silang apat? Ba’t di ko napansin?
"Paksyet!" I can almost smell trouble. Sa klase pa lang ng tingin ni Grandpa I can already sense that he is up to no good. Kailangan kong makaisip ng magandang counter attack agad agad.
"What are you doing here, prodigal grandfather?" Kahit papaano alam ko na ang ipinunta niya.
"Of course, I wanted to make sure that you keep your promise." Napangiwi ako nung makita ko ang klase ng ngisi na binigay sa akin ng mga pinsan ko. Huh! Pero akala nila ay nagtagumpay na sila, dyan sila nagkakamali. Isa sa mga rason kung bakit andito sa pamamahay ko si Ana ay dahil sa mga ganitong pagkakataon.
"Of course, I keep my promise, prodigal grandfather. In fact, all of you shouldn't be here because we are on our honeymoon. Nang iistorbo kayo!" Lumapit ako kay Ana at inakbayan siya at para malayo na din siya sa tingin ng mga pinsan ko.Naramdaman ko ang paninigas ng katawan ni Ana. I ignored her reaction.
"Michael, Gabriel, Jhudiel, prodigal Grandfather, I want you to met Ana, my wife." Nanigas ulit si Ana at pilit na inalis ang akbay ko pero papayag ba ako? Si Lilac ang nakataya dito. Pagdating kay Lilac, gagawin ko ang lahat. Aba, magkano ba ang prize pag nananalo si Lilac sa mga competition? 50,000 pesos. Sayang din yun!
Tungkol naman sa kay Ana, mag uusap kami mamaya, ang importante ngayon ay mapaniwala ko sina Grandpa na nag asawa na ako.
Napatingin sa amin ang apat at lalo kong hinapit si Ana sa katawan ko. Tumaas ang kilay ng apat and it was then that I realized that we are not that convincing especially that Ana is trying to get my hands off her.Lalo ko siyang niyakap. Hindi lang ako nakaakbay sa kanya, pinulupot ko pa ang mga braso ko sa kanya. It feels greet. She’s so soft and she smells heavenly. Ano ba ang shampoo niya at ang bango ng buhok nya. Ang sarap amuyin. I can get use to this. Bakit nga ba hindi ko man lang naisip na tsansingan siya dati? Pilit niyang inalis ang braso kong nakapulupot sa kanya.
“Hindi po. Hindi po…” Hindi ko na siya pinasalita. Alam ko ang sasabihin niya at hindi ako makakapayag. Pinaharap ko siya sa akin at hinalikan. That kiss was intended to shut her up.
Pero katulad ng unang halik na pinagsaluhan namin, nahihirapan akong tumigil. Gusto ko na lang tikman ang labi niya at hindi ako nagsasawa. In fact, hindi lang ang mga labi ang gusto kong tikman kundi siya mismo. Kissing her wouldn’t be enough.
These past weeks it has been so hard for me. Ang hirap pigilin ng pagnanasa ko kay Ana but I have to restrain myself. I’d labeled her as off limits because she’s innocent. I cannot take advantage of her. Although I still crave for her lips, hindi ko na siya hinalikan ulit dahil alam kong kapag sinimulan ko, hindi ko na magawang tumigil. Katulad ngayon and I ought to stop. f**k! I ought to stop, but my mind just don’t know how to do it. Every fiber of mewanted her. Pakiramdam ko, mababaliw ako kapag tumigil ako. Parang akong nasa isang disyerto at nangangailangan ng tubig at isang tubig si Ana. Drinking her just wouldn’t be enough. Gusto kong magtampisaw sa kanya, I needed to be enveloped by her warmth, to be embraced by her softness for me to be sated.
The need I felt towards her is very strange. I feel like it is not merely physical, it was more than that. It is more deeper and scary.