Chapter 28 I waited for Ana to go out of our room bago ako pumasok sa kwarto at nagbihis. Paano kasi, baka hindi ko na siya palabasin pag naabutan ko siya sa kwarto. Pagkalabas niya saka ako pumasok at nagbihis tapos lumabas ng kwarto. Nasa restaurant na si Ana kung saan ang venue ng party ni Jude at lumapit agad ako sa kanya sabay akbay. “Nagdiving kami. Sana sumama ka. Madaming magagandang aquarium fish doon. Bukas ng umaga pupunta tayo para hindi masyadong mainit. Mag eenjoy ka.” Gusto ko sanang sabihin na ‘Gusto kong mag dive sa’yo, I’m sure, mag eenjoy tayo’. Pero siyempre hindi ko na lang sinabi kasi alam ko naman na batok ang mapapala ko kapag sinabi ko yun. Pero totoo ang sinabi ko tungkol sa diving, niyaya ako ng mga pinsan ko at saglit kami na nagdive sa malapit na reef.

