Kinabukasan ang gaan ng pakiramdam n'ya pagkagising. Masarap ang naging tulog n'ya sa dating silid. Matagal na rin mula nang huling natulog s'ya sa dating silid. 'Yun ang gabing pinasok s'ya ng barkada ni Lorraine. At 'yun din ang gabing napadpad s'ya sa penthouse ni Zayn, dahil sa kalasingan. Sinulyapan ang asawa sa tabi na mahimbing pa rin ang tulog. Napangiti s'ya. Ang ganitong pakiramdam sa tuwing gigising s'ya ang nais n'yang maramdaman. Sobrang peaceful, dahil alam n'yang wala na silang magiging problema pa ng asawa. Ginala ang mga mata sa buong silid. Napangiti na naman s'ya. Saka napalingon sa crib na kinalalagyan ni Zaiden. Dahan-dahan s'yang bumangon, iniwasan na magising ang asawang mahimbing na natutulog. Alam n'yang pagod ito. Kagabi kasi matapos ang pakikipagkita nila kay

