"Yes, Atty. Luna, speak now," sagot n'ya sa cellphone ng tawagan s'ya ng abogado. Ito ang araw na magkakabentahan na sa bahay nina Megan. Makukuha na n'ya ang titulo ng bahay ng asawa. Maibabalik na sa asawa muli ang naiwang bahay at lupa ng mga magulang nito. "Mr. Sullivan, ok na po ang lahat. Ngayong araw din po maghahakot na po sila ng mga gamit," sagot abogado sa kabilang linya. "Great, paki ayos na rin ang titulo at paki pangalan sa misis ko," "Yes, Mr. Sullivan. Anyway andito po ba kayo sa area, malapit sa bahay ng misis n'yo?" "No, nasa hotel ako, bakit?" Kunot noong tanong n'ya. "Well, andito po kasi sa tapat ng kapitbahay ng misis n'yo ang isa sa luxury car n'yo Mr. Sullivan," sagot nito. Napahugot s'ya ng malalim na paghinga. Nakuha na n'ya ang ibig sabihin nito. Hindi pw

