"Zayn, hindi ka ba kakain muna bago pumasok?" Habol n'ya sa asawang palabas na ng pintuan ng penthouse. Ni hindi man ito nagtuloy sa komedor kung saan n'ya ito hinihintay. Hindi rin nakaligtas sa kanya ang suit na suot nito. Hindi nito sinuot ang inihanda n'yang business suit, para rito. "Sa labas na ko mag-aalmusal," walang emosyong sagot ng asawa. Hindi man s'ya nito sinulyapan, saka nagtuloy na sa may pintuan. "Pero Zayn," habol n'ya sa asawa. Ngunit nagtuloy pa rin ito sa paglabas. Wala s'yang nagawa kundi sundan na lang ng tingin ang asawang papalabas na ng penthouse. Nagalit si Zayn sa kanya kagabi, ng malaman nito ang tungkol sa pag-inom n'ya ng birth control pills. Dahil sa takot sa asawa, hindi n'ya nagawang ipaliwanag rito ang side n'ya. Nauwi ang lahat sa pag-iyak n'ya. Hindi

