"Bakit narito ka Laura?" Tanong ni Zayn kay Laura. Lumapit naman ang asawa sa tabi n'ya. Tinignan s'ya nito. "May nangyayari ba dito?' Tanong nito sa kanya. "Laura is doing something to ruin us," sagot n'ya sa asawa at sinulyapan si Laura. Halata sa mga mata nito ang takot. Ang galit at nakakatakot na mga mata nito ay naglaho. Napalitan ng takot kay Zayn. "Zayn," mahinang tawag ni Laura sa asawa n'ya. Nakakunot ang noo ni Zayn, marahil naguguluhan sa mga nangyayari. Lumakad s'ya pabalik sa mesa, may kinuha mula sa bag n'ya. Nilabas ang pinadala sa kanya ni Laura at ginagamit na pananakot nito. "Here," sabi n'ya at iniabot kay Zayn ang mga papel. "Kinuha n'ya ang kopya sa opisina mo, at balak n'yang ikalat ang tungkol sa kontratang 'yan," sumbong n'ya kay Zayn. Sinulyapan si Laura, m

