"Nervous?" Tanong ni Zayn sa kanya ng makarating na sila sa event. Nasa labas pa sila ng pintuan at kinakabahan na pumasok sa loob. Hawak nito ang kamay n'ya, ramdam ang pamamawis at medyo panginginig. Kinakabahan kasi s'ya. "A little," sagot n'ya at nilingon ang asawa. "You don't have to. You did your best, para sa event na ito. I believe na matutuwa si Papa," saad nito, at lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay n'ya. Tumango-tango s'ya sa at ngumiti sa pagpapalakas nito ng loob n'ya. "And remember this, sweetheart. You are the most beautiful here tonight," dagdag pa nito na lalo n'yang kinatuwa. "Aaww... Thank you, Zayn. Thank you, you believe in me, and thank you, lagi mong pinalalakas ang loob ko," nakangiting sagot n'ya. "Because, I love you, Megan," saad nito at dinala s

