Chapter 3

1224 Words
Pagkatapos nilang mag-dinner ay sabay pang umakyat patungong taas sina Yross at Florecita. "Hey,anong gagawin mo sa itaas?" Sita ni Yross kay Florecita. "Magpapahinga nga na,bakit?" Pagtataray niya kay Yross. "Sa maid's quarter ka diba?" Masungit nitong turan. Ngumisi lang siya at tuluyan ng humakbang paakyat sa itaas,hinabol naman siya ni Yross. "Hey! Kinakausap pa kita!" Asik nito sa kanya pero hindi niya ito pinapansin patuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa labas ng kuwarto niya. "Don't tell me...," he trailed off, muli siyang napangisi. "Yes po Sir Yross, ito ang silid ko at ang lolo mo mismo ang nagpagamit sa akin sa silid na ito." Nang-iinis niyang sagot kay Yross na ngayon ay hindi na maipinta ang mukha. "At sa mismong tapat pa ng silid ko?" Naiinis na sabi nito sa kanya. "Aba malay ko! Hindi ko naman alam na magkatapat pala ang kuwarto natin," pagtataray niya rito. "Wala na talaga akong masabi! Pati si Lolo ay naloko mo!" asik nito sa kanya na ikinataas ng kilay niya. "Excuse me! Hindi ako manloloko!" Depensa niya sa sarili, nakakalokong tumawa si Yross. "Huwag ka ngang mag-malinis,hindi nga ba't sinabi mo na ikaw ang nagmamay-ari sa Mansyon na ito?!" Hindi siya nakaimik sa sinabi nito, he smirked when he saw her speechless. "Ano kasi...," napakamot siya sa batok at hindi siya makaapuhap ng sasabihin. "Ang sabihin mo manloloko ka talaga!" Asik ni Yross sa kanya sabay pasok sa kabilang silid at pabagsak pa nitong isinara ang pinto. Aba! Antipatikong mayabang! Palatak niya sa isipan. Kumukulo ang dugo niya ngayon dahil sa Yross na iyon! Akala mo kung sino! Nakasimangot siyang pumasok sa silid at inayos nalang ang mga gamit. Kailangan niyang kalmahin ang sarili,baka hindi siya makatulog dahil sa inis na nararamdaman kay Yross! Papasok pa naman siya sa bagong School na papasukan niya. Maya-maya ay may kumatok sa silid niya, agad niya itong binuksan at bumungad sa kanya ang tiyahin niya, may dala itong isang supot na damit. "Muntikan ko ng makalimutan, ito pala ang uniform mo para suotin mo bukas. Hindi ko alam kung tama ba ang sukat sa'yo." Sabi ni Manang Tess sabay abot sa kanya ng supot. Ngumiti si Florecita sa tiyahin. "Salamat po Manang." Nakangiti niyang sabi rito. "Oh magpahinga ka na." Excited na isinukat ni Florecita ang uniform pagkaalis ng tiyahin niya. Maganda ang uniform, pang mayaman talaga. Kaso medyo malaki sa kanya pero okay lang. Pagkatapos ay naglinis na siya ng katawan at natulog na. Kinabukasan nakasimangot si Yross na bumaba ng hagdan.Bakit pa kasi ang kwarto ng babaeng iyon ay itinapat pa ni lolo sa kwarto niya, naiinis niyang saad sa sarili. Naiinis siya talaga siya simula pa kahapon dahil kay Florecita, ewan niya ba kung bakit. Naaangasan kasi siya sa dating ng babaeng iyon. Mas lalong nagdikit ang mga kilay niya ng maabutan sa sala ang Florecita. Nakasuot ito ng uniform na katulad sa uniform nila sa school. Ano ba naman ang paldang suot nito? Magmamadre ba talaga ang babaeng 'to, panlalait niya kay Florecita sa isipan. Ang palda nito ay lagpas tuhod tapos yung top ay napakaluwang, ayaw niya ba ng masikip? Takot ba itong makita ang bilbil niya? Ano bang maganda sa kanya? Maliban nalang sa mahaba niyang buhok! Tsk! Umagang umaga na bubwesit ako! Saad niya sa sarili. "Yross! " agad na lumapit si Florecita sa kanya, nakangiti pa ito. "Sabi ni lolo sabay na tayo. " "Ano? ! Ano ba iyan, kung minamalas ka nga naman. " bulong niya sa sarili habang patuloy na naglalakad palabas, nakabuntot naman sa kanya si Florecita na parang aso. "Ibababa kita sa may gate ng School, hindi puweding malaman ng lahat na magkasabay tayo. " inis niyang sabi rito. "Okay, ayaw ko rin namang makita nila na kasama kita. " pairap na sagot ni Florecita sa kanya and she rolled her eyes. Aba... ang lakas naman ng loob nito na sabihan siya ng ganoon! Hindi niya ba alam na halos lahat ng babae sa school ay makikipagpatayan makasakay lang sa kanya? Inis na napabuntong hininga si Yross. Naku h'wag lang talaga maubos ang pasensya ko sa babaeng ito! "Tara na baka ma late pa tayo" muling sabi ni Florecita, pinandilatan niya ito ng mga mata, sino ba ito para utusan siya? Damn! San Sebastian University (SSU) isa ito sa pinakasikat na School sa lugar nila at halos mayayaman ang nag-aaral. Ang iba naman ay mga Scholars. Napaawang ang bibig ni Florecita ng makita ang gate ng School. Napakalaki kasi ng gate at yayamanin. Napansin ni Florecita kung bakit hanggang hita lang ang palda nilg mga estudyanteng pumapasok? Kahit iba-iba ang kurso ay pareho lang ng uniform. Napatingin siya sa sarili, okay naman suot niya kaso nga lang lagpas tuhod yung palda niya, ayos naman yung pagkakapuyod ng buhok niya. Pumasok na siya sa school. First day of school niya ngayon kaya nagtungo siya sa bulletin board para tingnan ang schedule niya. Kahit pinagtitinginan siya ng lahat, wala siyang pakialam.Ang mahalaga sa kanya nakapag aral siya ulit ng College. Nakarinig pa siya ng bulong-bulungan o sadyang pinaparinig sa kanya? "Who's that girl? " "Bakit ganyan ang palda niya..." "Hayaan niyo na baka magmamadre." Tawanan. "Kayo naman masyado kayong rude sa kanya, maganda naman siya kung walang katabi." Tawanan ulit. Gusto na niyang patulan pero nanahimik nalang siya. May mga mayayaman talaga na napakayabang! Akala mo kung sino! "Mau schedule na rin ako. " bulong niya sa sarili. Dahil transferee student siya, irregular yung status niya, wala siyang block at kung sino-sino ang mga kaklase niya. "Makaalis na nga dito. " dagdag niya pa. Pumasok na siya sa unang subject. "Listen guys, may bagong transferee. Please introduce yourself Ms. Reyes. " sabi ni Mrs. Carmen, yung teacher nila sa subject na ito. Pinagtinginan siya ng lahat. Buti nalang pinalaki siya na matatag, palaban at higit sa lahat makapal ang mukha. "Hi everyone, my name is Florecita Reyes, i am 19 years old. I am BS-Nursing Irregular Student, " maikling introduction niya sa sarili. Ang iba naman nakikita niya sa hitsura ng mga 'to na para bang nandidiri sa kanya lalo na mga babae. Tinaasan niya lang ito ng kilay. "Okay, have a seat Ms. REYES. " Nagpalinga-linga siya kung saan siya uupo, buti nalang may nagtaas ng kamay. "Dito ka na umupo katabi ko. " Nakangiting offer sa kanya ng isang cute na babae, she looks so charming and friendly. "Seriously Sam? Ewww...! " Sabi nong babaeng nasa unahan niya na nilingon pa ang nag-ngangalang Sam, ang babaeng nag offer sa kanya ng upuan. "Whatever Scarlet!" Mataray nitong sagot. Napangiti siya at lumapit na dito. "Thanks. " Pasasalamat niya rito. "You're welcome. I'm Samantha but you can call me Sam." Pakilala nito sa kanya, inilahad pa nito ang kamay. Bukal sa loob na tinanggap niya ang palad nito at tipid na ngumiti. Napaka-charming naman ng mukha ng babaeng ito, sa isip-isip niya. Umupo na siya sa upuan na katabi nito, panay pa rin ang ngiti ni Sam sa kanya kaya medyo nailang siya. Nagsimula ng mag-discuss ng bagong topic ang teacher kaya naagaw nito ang atensyon ni Florecita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD