KABANATA WALO

627 Words
Nagising ako dahil sa sinag ng araw. Feeling ko nawala lahat nang hinanakit ko. Feeling ko may gana akong gawin lahat ng gusto ko. Tumingin ako sa bed side table ko. Tiningnan ko kung ano nang oras. shocks! Alas onse na pala?! Hindi man lang ako ginising ni bakla! Pero, nakakatamad pang bumangon mayamaya nalang siguro. Buti nalang sabado ngayon, walang pasok. Kailangan ko nalang tatagan ang sarili ko, masyado ko ng pinag-alala ang mga tao na nakapaligid sa akin. How to move on kaya? Hindi na kailangan tanungin iyon at malaman. Tanggapin ko nalang ang lahat. Kung ayaw na niya edi bahala siya. Nasaktan na ako at ayuko ng maulit pa. Hindi naman ako ipinanganak na tanga o mag tanga-tangahan sa taong ni minsan ay hindi pala ako minahal. Someday, there's someone who can lessen my pain. Napaisip ako bigla. May isang tao na nagparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa. Ang sarap niyang kasama kahapon. He is so cute when he get serious. Nakakunot ang noo. "Kaloka kang bruha ka," reklamo niya. Pinagkunotan ko siya ng noo. "Bakit?" Takang tanong ko sa kanya. Nilagpasan ko lang siya sa may hagdanan papuntang kusina. "Aba'y kahapon lang panay ang iyak mo bruha ka, kesyo niloko tapos ngayon?" Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Ayos natin ah, hindi lusyang pak na pak! Nakangiti pa pagbaba," masaya niyang sambit sa akin at mas proud pa kaysa sa akin dahil hitsura ko ngayon. "Ano ba problema mo bakla?" Tanong ko habang naghahanap na matimplang gatas. "May bago kana ba?" Diretsahan niyang sabi sa aking likod na aking ikinagulat. Pinanlakihan ko siya ng mata dahil hindi nakakatuwa ang tanong niya. "Ikaw ha, kung ano-ano na ang nasa isip mo, nag kaganito lang may bago na agad? Ganern?" Tinuloy ko nalang ang pag timpla ng gatas. Nagugutom na ako't nakikidaldal pa ang bakla. Marites talaga. "Naniniguro lamang ako eh, ito naman galat agad? Guilty lang te?" "Hindi naman sa ganun-" hindi pa nga tapos ang sasabihin ko nagsasalita na siya agad. "Kase naman, naloloka kase ang baklang to sayo teh. I was decided to got to your room na sana kanina kase I thought you were going mokmok there dahil sa nangyari kahapon. Tapos, matatagpuan lang kita sa hagdanan na lutang? Tapos, may pangiti-ngiti pa?" Hindi ako makasagot. Yumuko nalang ako at ngumiti. Natutuwa lang kase ako sa kanyang reaksyon. "Yuucks! Ang creepy mo girl! Tatawag na ba ako sa mental?" diring-diri siyang nakatingin sa akin. "HAHAAHHAA!" nag bitiw ako ng pinakamalakas na tawa. Ang cute niya kase sa reaksiyon niya. "Yaaah! Na abnoy ka na! Ganyan ba ang resulta sa bagong break up? Na aabnoy?!" Taas kilay niyang sabi. Tumigil ako sa kakatawa. Tiningnan ko siya na napakaseryoso, na ikinagulat niya. Bigla ay, tinakpan niya ang kanyang bibig at nag peace sign sa akin. Hindi ko nalang siya pinansin. Wala naman akong ginagawa kanina. Nag-iisip lamang ako. Iniisip ko lang naman yung mga nangyayari sa akin at nitong mga nakalipas na araw lalo na yung kahapon. Hindi mawala si Cedric sa isipan ko ngayon ah ... Nagbalik ako sa ulirat ng biglang nabulunan si bakla na halos hindi na makahinga. dali-dali akong kumuha ng tubig at ibinigay iyon sa kanya. "Ano bang nangyari sa iyo?" tanong ko nang mahimasmasan na siya. Tumingin siya sa akin ng diritso na naka o yung bibig niya. Hindi niya masabi ang kanyang sasabihin. "Sabihin mo nga saakin kung okay kalang ba talaga? Huwag mo akong tingnan ng ganyan." Hindi nalang siya umimik. Dumiritso siyang tumayo at sabay sabing. "Samahan mo akong pumunta sa mall, may bibilhin ako." Iyon lang at umakyat sa taas habang nagtitipa sa cellphone niya. Naiwan nalang akong nakanganga, mayamaya ay umakyat na rin upang maligo at mag bihis ng pamalit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD